Kris Bernal ibinahagi ang struggle bilang first time mom: I’m blessed with an oversupply of breast milk but…
EMOSYONAL ang aktres na si Kris Bernal habang ibinabahagi ang kanyang pinagdaraanang struggle bilang first time mommy.
Sa kanyang mga Instagram stories ay ibinahagi niya ang kanyang mga naranasan ngayong ipinanganak na niya ang kanilang panganay ni Perry Choi na si Hailee Lucca.
Tulad din ng mga naranasan ng mga first time moms, na-experience rin ni Kris ang magkaroon ng clogged milk ducts.
“I’m blessed with an oversupply of breast milk. But, didn’t expect the challenges it comes with.
“My breasts are engorged, nipples are sore and hard. And because of those no milk is coming out, I am unable to nurse my baby,” lahad ni Kris.
Maging si Perry ay ibinahagi sa kanyang Instagram account ang larawan ng asawa habang pinapadede ang kanilang anak.
Baka Bet Mo: Kris Bernal ibinandera ang baby girl na si Hailee Lucca sa publiko: She’s finally her
View this post on Instagram
“Hirap pala ng nagpapabreastfeed,” sey ng asawa ni Kris.
Marami naman sa mga netizens ang nagpakita ng support sa mag-asawang naninibago sa bagong chapter ng kanilang buhay may pamilya.
“Oh yes. And the benefits are worth it. For non-bfeeding mothers, it’s okay. What’s impt is baby is well fed. Love cannot just be expressed thru [breastfeeding],” saad ng isang netizen.
Comment naman ng isa, “But the benefits for the baby outweighs all the sacrifices baby will be more healthy and more intelligent.”
“Nako mahirap Po talaga mag breastfeeding kailangan ni mommy Kumain at mag take Ng vitamins para may mainom si baby. Laban lang . Kaya mo Yan ate Kris. Kailangan talaga Ng moral, emotional and physical support,” sey naman ng isa.
Matatandaang noong August 15 nang ipanganak ng aktres si Hailee Lucca Choi. Ibinandera niya ang anak noong Miyerkules sa publiko ngunit hindi pa nito ipinasisilip ang mukha ng kanilang baby girl.
Related Chika:
Kris Bernal pabirong nakiusap sa kanyang baby na huwag munang lumabas: Your room is not yet ready!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.