Kris Bernal pabirong nakiusap sa kanyang baby na huwag munang lumabas: Your room is not yet ready! | Bandera

Kris Bernal pabirong nakiusap sa kanyang baby na huwag munang lumabas: Your room is not yet ready!

Therese Arceo |July 19,2023
facebook
share this

Kris Bernal pabirong nakiusap sa kanyang baby na huwag munang lumabas: Your room is not yet ready!

Therese Arceo - July 19, 2023 - 08:50 PM

Kris Bernal pabirong nakiusap sa kanyang baby na huwag munang lumabas: Your room is not yet ready!
TALAGANG excited na ang aktres na si Kris Bernal sa pagdating ng kanilang panganay na anak nila ng asawang si Perry Choi.

Sa totoo lang ay makikita sa kanyang mga Instagram updates ang kanyang journey habang nagdadalang tao pati na rin ang mga preparations niya sa pagdating ng kanilang little sunshine.

Halos isang buwan na lang ang inaantay nina Kris at Perry ngunit marami pa ring bagay sa kanilang bahay ang hindi pa rin tapos gaya na lamang ng magiging kwarto ng kanilang baby girl.

Sa kanyang Instagram story ay ibinahagi niya na kasalukuyan pa ring ginagawa ang nursery room ng kanilang anak.

Makikitang may mga kahoy, hagdan, mga pintura at hindi pa rin tapos ang finishing ng kwartong ibinahagi ni Kris.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kris Bernal (@krisbernal)

 

Baka Bet Mo: Kris Bernal dinedma-dedma ni Aljur Abrenica; lumpiang togue ang pinaglilihian sa unang baby nila ni Perry Choi

Dahil nga rito ay may pabirong hirit ang actress at vlogger sa anak na nasa sinapupunan niya.

“”Baby, don’t come out yet! Your room is not yet ready! Huhu!” sey ni Kris.

Dagdag pa niya, “Lord sana matapos muna.”

Matatandaang kamakailan lang nang ibahagi ni Kris ang mga larawan mula sa ginanap nilang baby shower na talagang bonggang bongga ang theme.

“This little baby girl is being welcomed in Paris.. and she’s still in mama’s tummy! All things pink and Paris to celebrate our bundle of joy, coming into this world in just a couple weeks!

“My family, friends, and suppliers really went all out and we are grateful for all the love and support!” pagbabahagi ni Kris.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Kris Bernal umiyak nang bongga nang ma-postpone ang kasal: Pero ang mahalaga tuloy pa rin

Kris Bernal manganganak na sa Agosto, ready na nga bang maging mommy?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending