Kris Bernal ibinandera ang baby girl na si Hailee Lucca sa publiko: She's finally here | Bandera

Kris Bernal ibinandera ang baby girl na si Hailee Lucca sa publiko: She’s finally here

Therese Arceo |August 30,2023
facebook
share this

Kris Bernal ibinandera ang baby girl na si Hailee Lucca sa publiko: She’s finally here

Therese Arceo - August 30, 2023 - 04:35 PM

Kris Bernal ibinandera ang baby girl na si Hailee Lucca sa publiko: She's finally here

ISA na ngang ganap na ina ang Kapuso actress na si Kris Bernal matapos niyang ipanganak ang kanilang panganay na anak ni Perry Choi.

Sa kanyang Instagram post ay ibinahagi niya ang isang video kung saan ibinida niya ang kanilang moments kasama ang kabilang little sunshine.

“Let me tell you a story, SHE’S FINALLY HERE,” panimula ni Kris.

“15 days with our #LittleSunshine, @haileelucca! And, it has been the most magical days of our lives,” pagpapatuloy pa niya.

Kuwento pa ni Kris, kahit na naging mahirap ang kanyang pinagdaanan sa pagdadalantao ay willing siyang gawin ito ulit para sa kanilang baby girl na pinangalanan nilang Hailee Lucca.

“After the longest pregnancy and hardest labor, I would do it over so many times to meet my #LittleSunshine.

“The bond between a mother and child is one of the strongest in existence. I’m so inlove!!” sey pa ni Kris.

Aniya, ang kanyang naramdaman sa kanyang pagbubuntis ay isang klase ng pagmamahal na “never understood until it happens to you”.

Baka Bet Mo: Kris Bernal excited nang makita ang first baby, pero umaming inaatake rin ng matinding takot: ‘My heart explodes!’

“My heart is so full and becoming a mother is the most rewarding and beautiful thing in my life.

“Thank you, Lord, for giving us a chance to be parents!” masayang sey ni Kris.

Sa kabila ng pagbabahagi ng balitang naipanganak na niya si Hailee ay hindi pa nito ipinapasilip kung ano nga ba ang itsura ng kanilang baby kaya mas lalong na-curious ang madlang pipol kung sino kaya ang kamukha ng baby.

Lahad pa ni Kris, “We have been taking some time to ourselves to get settled. For now, we’re really slowing down and soaking up every minute, cherishing it all.

“Thank you for the kind messages, thoughts, and prayers. #TheCHOIs.”

Umulan naman ng congratulatory messages mula sa mga kaibigan at followers ni Kris ang kanyang naging unang post matapos ipanganak si Baby Hailee.

“Awwww! Congratulations sa inyo @krisbernal wohooo!” saad ni Rodjun Cruz.

Comment naman ni Carla Abellana, “Congratulations, Kris and Perry! [GREAT] JOB!”

“Waaaa sabi ko na e parang nanganak ka na nga pero pina thrill mo lang. I’m a happy fan here. Congrats ate! Welcome to the world baby Hailee!” sey naman ng isa sa kanyang followers.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Kris Bernal dinedma-dedma ni Aljur Abrenica; lumpiang togue ang pinaglilihian sa unang baby nila ni Perry Choi

Kris Bernal ‘di makapaniwalang ‘baby girl’ ang anak kay Perry Choi: Kasi lahat ng symptoms ko pang-boy!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending