Solenn Heussaff ibinandera ang sikreto sa pagiging padede mom: Malunggay capsules always do the trick!
MAY pahabol na social media post ang model-actress na si Solenn Heussaff sa pagtatapos ng pagdiriwang ng “Breastfeeding Month.”
Sa Instagram, ibinahagi ni Solenn ang kanyang motherhood journey bilang padede mom.
Dito inamin ng aktres na isa ito sa pinakamahirap na gawain sa pagiging ina.
“To Breastfeed. May be one of the hardest parts of motherhood,” wika niya sa post.
Caption pa niya, “Some have it easier than others, but it is still a long journey, painful many times and also rewarding.”
Inisa-isa pa ni Solenn ang mga nararanasan niya sa panahon na nagbe-breastfeed siya sa kanyang anak.
“Clogg ducts, breast pain, sleepless nights, endless questions and self doubts are just a fraction of what you will feel. But these moments are everything,” sey niya.
Baka Bet Mo: Payo ni Solenn sa mga taong ‘yes lang nang yes’: Speak up, it’s one thing I’m not good at…I’m a people pleaser
Gayunpaman, ang mahalaga raw ay ang nagiging matibay ang bonding at relasyon nila ng kanyang anak.
Patuloy nya, “The bond is greater than any you will ever encounter. Whether you are breastfeeding for 1 week or 3 years, these moments are everything.”
“Happy Breastfeeding month mommas!” pagbati pa niya.
Sa huli ay ibinunyag niya na isa siya sa mga hindi pinagpala na magkaroon ng sapat na suplay ng breastmilk, pero ang kanyang naging sikreto ay ang pag-inom niya ng malunggay capsules.
“If you are like me and low on supply for life, Mega-Malunggay capsules always do the trick to help with this journey!” ani ni Solenn.
View this post on Instagram
Para sa mga hindi pa masyadong aware, ipinagdiriwang talaga sa ating bansa tuwing buwan ng Agosto ang “National Breastfeeding Awareness Month” at ‘yan ay nakalagay sa ating batas.
Bukod kay Solenn, isa pang celebrity mom na nagdiriwang ng “Breastfeeding Month” ay ang batikang aktres na si Iza Calzado.
Sa recent post ni Iza, inamin din niya na nagkukulang siya sa pag-produce ng breastmilk.
Pero hindi raw siya nababahala dahil marami naman daw ang to the rescue upang punan ang kinakailangang nutrisyon ng kanyang anak.
Dati na ring inamin ng aktres na may “medical reason” kung bakit mahina ang produksyon ng kanyang breastmilk.
Hindi pa siya handang ibahagi ito, pero nauna na niyang sinabi na grateful siya dahil nararanasan pa rin niya ang magpadede sa anak.
Related Chika:
Kylie Padilla inalala ang breastfeeding journey: Still one of my favorite parts of motherhood
Angel nabiktima rin pambu-bully sa showbiz; may inamin tungkol kay Solenn Heussaff
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.