Solenn Heussaff bakit nga ba ‘missing in action’ sa social media?

Solenn Heussaff bakit nga ba ‘missing in action’ sa social media?

Pauline del Rosario |June 11,2023
facebook
share this

Solenn Heussaff bakit nga ba ‘missing in action’ sa social media?

Pauline del Rosario - June 11, 2023 - 12:56 PM

Solenn Heussaff bakit nga ba ‘missing in action’ sa social media?

PHOTO: Instagram/@solenn

MATAPOS ang tatlong linggo na pananahimik sa social media, nagparamdam na ulit ang celebrity mom na si Solenn Heussaff.

Alam naman natin na super busy si Solenn, lalo na’t tutok na tutok siya ngayon sa kanyang second baby na kakapanganak lang noong Disyembre.

Gayunpaman, naging aware ang aktres sa pagka-miss ng kanyang fans kaya naman nagbigay na siya ng update sa Instagram.

Inamin ni Solenn na naging “missing in action” siya online at ipinaliwanag na ito ay dahil sa kanyang busy schedule.

‘Yan ay hindi lamang sa pamilya, kundi na rin sa iba pang pinagkakaabalahan sa buhay.

Baka Bet Mo: Payo ni Solenn sa mga taong ‘yes lang nang yes’: Speak up, it’s one thing I’m not good at…I’m a people pleaser

Kabilang na raw diyan ang paglilipat ng bahay at paggawa ng bago niyang collection para sa kanyang upcoming art exhibit.

“Been MIA lately online,” panimula ng aktres sa kanyang IG caption.

Chika niya, “Busy enjoying my family, moving to a new place, working on peace of mind to upcoming collections, planning my next exhibit, working on myself and much more.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Matatandaan noong Marso nang ipinakilala na sa publiko ni Solenn ang second baby nila ni Nico Bolzico na si Maëlys Lionel.

Marami pa nga ang nagsabi na mas kamukha ni Nico ang bago nilang anak.

Noong December 14 naman ay excited na ipinost ni Nico na isinilang na ni Solenn si Baby Maëlys.

Kasabay din niyan ay ibinunyag niyang “Lionel” ang magiging second name ng kanilang baby na kung saan ay pinangalanan ito sa Argentinian professional footballer na si Lionel Messi.

Noong Hulyo ng nakaraang taon nang inanunsyo ng mag-asawa na magkakaroon na sila ng second baby.

Ang gender reveal ay nakumpirma noong Setyembre.

Taong 2016 nang ikinasal ang celebrity couple at taong 2020 naman nang isinilang nila ang kanilang first baby na si Thylane.

Related Chika:

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Angel nabiktima rin pambu-bully sa showbiz; may inamin tungkol kay Solenn Heussaff

Netizens sa ‘face reveal’ ng 2nd baby nina Solenn at Nico: ‘OMG! May mini El Padre na!’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending