Angel nabiktima rin pambu-bully sa showbiz; may inamin tungkol kay Solenn Heussaff | Bandera

Angel nabiktima rin pambu-bully sa showbiz; may inamin tungkol kay Solenn Heussaff

Ervin Santiago - August 29, 2021 - 09:17 AM

Solenn Heussaff at Angel Locsin

Solenn Heussaff at Angel Locsin

KNOWS n’yo ba na naging biktima rin ng bullying ang actress-TV host na si Angel Locsin noong nagsisimula pa lamang siya sa pag-aartista?

Bukod dito, tandang-tanda rin niya ang mga kaganapan kapag nagkakasabay sila ng Kapuso star na si Solenn Heussaff sa mga VTR (VideoTape Recorder) auditions.

Ayon kay Angel, talagang mahilig siyang mag-audition noon para sa TV commercials at may mga pagkakataon na nawawalan siya ng pag-asa kapag nakikitang naroon din si Solenn para magpa-VTR.

Kuwento ni Angel, rumaraket daw kasi siya noon para makaipon ng pampaopera sa mga mata ng tatay niyang si Angelo Colmenares.

“Naghahanap ako ng way para maka-contribute sa bahay. So, isa akong batang raketera.

“Okay, may fashion show, ‘Game!’ May audition dito, ‘Game!’ Pero hindi sumasagi sa isip ko na pwede akong mag-artista,” pahayag ng misis ni Neil Arce sa podcast ni Matteo Guidicelli na “MattRuns.”

Isang araw, sinamahan daw ni Angel ang kaibigan para mag-audition. Hindi raw niya akalain na doon na magsisimula ang malaking pagbabago sa buhay niya.

“Tapos, habang nag-aantay, pina-audition na rin ako. Naka-cap lang ako, naka-backpack, nakapang-wrestling na t-shirt pa ‘ko, kasi uso yun dati,” pagbabalik-tanaw ng aktres.

Sey ni Angel, confident naman siya sa itsura at kakayahan niya noon, pero knows niya ang katotohanan na marami talagang mas magaganda pa sa kanya.

“Alam kong maganda ako, pero hindi yung magandang-maganda. Alangan namang sabihin ko, ang pangit ko. Wala nang ibang pupuri sa akin kundi sarili ko.

“Pero siyempre, may mga limitation, like, kunwari si Solenn. Dati, lagi ko nakakasabay ‘yan sa VTR. Wala pang GMA nu’n. Mga commercial pa lang.

“Nagko-commute ako simula Caloocan papuntang Makati. So, nakailang bus ako, ‘tapos mag-e-MRT pa ‘ko. So, pawis ka na, haggard pa,” natatawanang kuwento ni Angel.

“Tapos papasok si Solenn, galing kotse. Ang ganda-ganda ni Solenn talaga! Alam mo yung gusto ko na lang umuwi kasi alam mong hindi ka makukuha, yung ganu’n,” chika ng aktres.

Nu’ng magkaroon daw siya ng chance ay naikuwento niya ito kay Solenn, “Later on, after so many years, kinausap ko na si Solenn.

“‘Solenn, alam mo ba dati pag pumupunta tayo sa audition, umuuwi na lang ako kasi alam kong hindi ako makukuha?’ Hindi niya ako natatandaan!” ang tawa nang tawang kuwento ni Angel.

Aniya pa, “Pero kasi siya IT Girl talaga noon pa. Maganda na talaga, pero mabait. Hindi siya yung snob, ah. Mabait talaga siya.

“So, tawa lang siya nang tawa, ‘Naku, Gel, sorry,’ gumaganun siya. ‘Ba’t ka, nagso-sorry?’

“E, alam mo yun, pag nagko-commercial ka, nag-o-audition ka, may isandaan na babae, isandaan na lalaki talaga. Tapos hindi mo alam kung mapipili ka, pero hanggang du’n lang,” dagdag pang pahayag ni Angel.

Samantala, nabanggit din niya na talagang hindi niya inakalang papasukin din niya ang pag-aartista.

“Dapat two years lang ako sa showbiz. Yun lang kasi ang deadline ko. Mag-iipon lang ako, pampaopera ko sa tatay ko (sa mata),” aniya.

Ngunit nang makapag-save na ng sapat na halaga, sinabihan daw sila  ng doktor na hindi na pwedeng operahan ang ama, “Medyo na-lost ako. Parang wala akong purpose. Hindi ko alam kung ano gagawin.”

Hanggang sa matanggap na rin niya ang katotohanan basta ang mahalaga ay kasama pa rin niya ngayon ang ama at patuloy na lumalaban para mabuhay.

Nagkuwento rin si Angel tungkol sa pambu-bully sa kanya noong nagsisimula na siyang mag-artista na naging motivation niya para hindi mag-quit, “And then na-challenge ako, kasi parang, di ko alam kung naranasan mo yung, minsan may bullying.

“O, minsan may parang discrimination, o ganyan. Na-challenge lang ako na parang, ‘Okay, pakita ko na kaya ko.’ Yun lang.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Tapos tanggap lang ako nang tanggap ng trabaho. Hanggang sa nakakita ako ng magagaling na artista, yung mga senior actors natin, na-impress ako doon sa passion nila,” katwiran pa ng tinaguriang real life Darna.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending