Ken Chan ‘nagparamdam’ na sa socmed, pruweba na walang pinagtataguan?
BIGLANG nagparamdam sa social media ang Kapuso actor na si Ken Chan matapos ang ilang buwang hiatus sa online world.
Ito ay sa gitna ng kumakalat na ulat na nagtatago si Ken dahil sa arrest warrant umano laban sa kanya dahil sa kasong estafa.
Recently lamang, nagkaroon ng random Instagram post ang aktor na ipinapakita ang isang litrato ng panda bear at troll plushies na may ice cream sa gitna.
Ang caption pa nga niya riyan ay, “imaginary friends.”
Baka Bet Mo: Sunshine Dizon sa basher na pinagdiskitahan ang kanyang estafa case: ‘You don’t know the whole story’
View this post on Instagram
May ibinandera rin siyang “proof of life” ng kanyang selfie picture habang nakaupo sa kama.
Ang mensa pa niya sa IG Story, “Have a great day ahead everyone! [smiling face emoji]”
Kasunod niyan ay ilang random pictures, kagaya ng airpods case, pizza at masarap na ice cream.
Mukhang ito ang sagot ni Ken sa ibinalita ng showbiz insider na si Ogie Diaz kamakailan lang about sa hinaharap nitong kaso.
Magugunitang ibinandera ni Ogie sa kanyang YouTube vlog ang kopya ng mga papeles na nakapangalan kay Ken.
Base sa dokumento ay “People of the Philippines versus Ken Steven Angeles Chan” (may iba pang pangalan na blurred) at ang mga ikinaso ay Syndicated Estafa under article 315, Paragraph 2 (A) of the Revised Penal Code in Relation to Section 1 of Presidential Decree No. 1689.
“Meron pang mga pangalan ng miyembro ng pamilya ni Ken Chan as in incorporators doon sa sa sinampang kaso sa kanila,” chika ni Ogie.
Patuloy niya, “Yung isa naman ay nagsabi sa akin na P30 million aabot ‘yung pera nila (at) mga friends niya na naipasok kay Ken Chan.”
“Tapos meron pang isa na naghahabol din ng kanyang pera kay Ken Chan na ginagawang front ‘yung mga businesses na sabi sa akin ay hindi naman daw naasikaso nang madalas ni Ken Chan,” saad pa ng vlogger.
Pahayag pa niya, “At ‘yung partner (sa negosyo) nga ni Ken Chan ay humiwalay na, e, parang iyon ang itinuturong salarin na humakot ng kanilang investment, totoo ba ‘yun?”
Wala pang pahayag si Ken at ang Sparkle GMA Artist Center patungkol sa isyung ito, pero bukas ang BANDERA sa kanilang pahayag.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.