Trulili ba, Ken Chan may warrant of arrest dahil sa estafa?

Trulili ba, Ken Chan may warrant of arrest dahil sa kasong estafa?

Reggee Bonoan - September 12, 2024 - 07:58 AM

Trulili ba, Ken Chan may warrant of arrest dahil sa estafa?

Ken Chan

FOLLOW-UP ito sa nasulat namin dito sa BANDERA tungkol kay Ken Chan na umano’y nagtatago dahil meron daw  standing warrant of arrest laban sa kanya.

Ito ang chika ni Ogie Diaz sa “Showbiz Update” vlog nila ni Mama Loi kasama si Dyosa Pockoh na napapanood na ngayon sa YouTube.

Bungad ng kilalang content creator, “Isang dapat maareglo at matapos ay itong kay Ken Chan na mula nang ibinalita natin dito (vlog) ay ilan na ‘yung tumawag sa akin para patotohanang mayroon daw silang case against Ken Chan.

Baka Bet Mo: Vhong sumuko sa NBI matapos lumabas ang warrant of arrest sa kasong acts of lasciviousness na isinampa ni Deniece

“At ito’y tungkol sa mga investment nila na ipinasok kay Ken Chan at may nagpasa pa sa akin na may warrant of arrest (sabay pakita ng dokumento),” ani Ogie.

Base sa dokumento ay “People of the Philippines versus Ken Steven Angeles Chan” (may iba pang pangalan na blurred) at ang mga ikinaso ay Sindicated Estafa under article 315, Paragraph 2 (A) of the Revised Penal Code in Relation to Section 1 of Presidential Decree No. 1689.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ken Chan (@akosikenchan)


Pagpapatuloy ni Ogie, “Meron pang mga pangalan ng miyembro ng pamilya ni Ken Chan as in incorporators doon sa sa sinampang kaso sa kanila.

“Yung isa naman ay nagsabi sa akin na P30 million aabot ‘yung pera nila (at) mga friends niya na naipasok kay Ken Chan.

“Tapos meron pang isa na naghahabol din ng kanyang pera kay Ken Chan na ginagawang front ‘yung mga businesses na sabi sa akin ay hindi naman daw naasikaso nang madalas ni Ken Chan.

“At ‘yung partner (sa negosyo) nga ni Ken Chan ay humiwalay na, e, parang iyon ang itinuturong salarin na humakot ng kanilang investment, totoo ba ‘yun?” ang pahayag pa ni Ogie.

Tanong ni Mama Loi, “So totoo kaya ‘Nay na nagpaalis siya du’n sa teleserye dahil sa kaso?”

“That we really don’t know kasi nandoon na rin sa blind item at itong si Ken Chan ay hahainan na ng warrant of arrest. So, si Ken Chan ay inaano (tinatawagan) ko ay hindi pa rin ako sinasagot” saad ni Ogie.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ken Chan (@akosikenchan)


Dagdag pa, “Bagkus ang pinost ni Ken Chan ay ‘yung nanalo siyang Outstanding Entrepreneur and Actor, e, balewala lahat ang ito kapag may ganyang issue tungkol sa integridad at dignidad.

“Kaya dapat ito ay harapin ni Ken Chan at kung mayroon mang pagkakautang mula sa mga investors at kung anuman ang mga naipangako dapat tuparin. Kaya Ken Chan bukas pa rin ang Ogie Diaz Showbiz Update para sa iyong panig,” aniya pa.

Say ni Mama Loi, “Sana maayos.”

Biro ni Dyosa Pockoh, “Ang dami na nating aayusin parang lahat na lang ng may kaso winelcome natin dito (vlog) tapos ang ending sana maayos, ‘yung sa atin ba ayos na? (demanda ng SU hosts mula kay Bea Alonzo).”

“Sana maayos, porke’t wala ka (hindi kasama si Dyosa Pockoh sa kaso) ganyan ka magsalita, ang yabang-yabang mo,” natatawang sabi ni Ogie.

Anyway, tsinek namin ang IG stories ng aktor na 10 hours ago habang sinusulat namin ang balitang ito ay nag-post siya ng fried noodles na may apat na fried eggs sa ibabaw.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bukas ang BANDERA sa panig ni Ken Chan o ng kahit sino kampo niya.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending