Solenn, Nico ipinagawa ng staff house ang mga kasambahay

Solenn, Nico ipinagawa ng bonggang staff house ang mga kasambahay, driver

Ervin Santiago - March 11, 2024 - 07:54 AM

Solenn, Nico ipinagawa ng bonggang staff house ang mga kasambahay, driver

Nico Bolzico at Solenn Heussaff kasama ang mga anak

“PARANG gusto ko na lang mag-apply at magtrabaho bilang kasambahay kina Solenn Heussaff at Nico Bolzico!”

Yan ang hirit ng ilang netizens nang mapanood ang bonggang pa-house tour series ng Kapuso actress at celebrity mom sa kanyang YouTube channel.

Isa sa mga ipinakita ni Solenn sa naturang vlog ay ang staff room sa bago nilang bahay na matatagpuan somewhere in Alabang na inilarawan nilang “Balinese and Japanese-inspired with a touch of Filipino.”

Apat na buwan nang naninirahan doon sina Solenn at Nico kasama ang dalawa nilang mga anak na sina Tili at Maelys. Meron silang tropical garden at swimming pool.

Baka Bet Mo: Nico Bolzico ibinandera ang ‘10 life lessons’ kasabay ng 40th birthday: ‘Life goes fast…’

Bukod dito, malaki at maaliwalas din ang kanilang living room na may mataas na  ceiling, may functional open and dirty kitchen pa at sosyalerang dining area. Nagpagawa rin sila ng kids’ playroom, TV room, at separate bedrooms para kina Tili at Maelys.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Solenn Heussaff (@solenn)


Pero ang pinaka-plot twist nga ng pa-house tour ni Solenn ay ang ipinagawa nilang bonggang kuwarto sa kanilang dream house para sa mga kasambahay na itinuturing na rin nilang mga kapamilya.

Apat ang house helpers ng celebrity couple – sina Edna, Jona, Juna, at Josie. At talagang kinarir din nina Solenn at Nico ang pagpapagawa ng kanilang staff room dahil kumpleto rin ito sa furniture at appliances.

Naglalaman ito ng dalawang bunk beds, isang dining set with matching sideboard table na may stone top, lababo, shower room, CR, floor-to-ceiling closet, at ang pinakabongga sa lahat, may aircon din!

Baka Bet Mo: Jeremy Jauncey kasapi na ng ‘Bullied Husbands Club’, ni-recruit agad ni Nico Bolzico

Aside from this, may sarili ring outdoor area ang staff house kung saan pwedeng mag-relax ang mga kasambahay pagkatapos ng buong araw na trabaho.

Pero knows n’yo ba na nagdesisyon din sina Solenn na huwag magkaroon ng access sa staff house para mabigyan din ang mga ito ng privacy.

“I told them it has to be as clean as the entire house even if I don’t step foot here. I want them to come to their room, and when they come to their room, they’re relaxed. They are not stressed or in a mess,” sey ni Solenn.


Nabanggit din ni Solenn na may separate room din silang ipinagawa para sa kanilang driver na may air conditioner din at laundry room.

Sa isang bahagi ng kanilang bahay na mas kilala ngayon bilang Casa SosBolz, meron din silang TV room para sa mga kasambahay at driver. Pwede raw sila ritong tumanggap ng bisita o simpleng mag-relax at magchikahan.

Umani naman ng mga positibong reaksyon mula sa mga netizens ang mag-asawang Solenn at Nico dahil sa pagpapahalaga at respetong ibinibigay nila sa mga helpers. Narito ang ilan sa mga nabasa naming comments.

“Dyan mo makikita ang mabubuting tao, yun kung pano nila trato at bigyan pahalaga ang mga nagtatrabaho sa kanila, very considerate couple.”

“Parang gusto ko na lang maging katulong kay Ma’am Solen.”

I know this is basic human decency para pa i-highlight pero thank you Solenn for giving your staff their own place and privacy plus more. A good reflection of a person is how they treat service staff. Nakaka proud panoorin.”

“Yung maganda ka na at mayaman pa tapos makatao pa. Love her!”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“I’ve always been a fan but now I can say I really, really admire you more now that you’ve shown us how you treat your staff or mga kasambahay. Not all celebrities or famous, rich people treat their staff the way you do. You gave them not just a space for themselves, but you gave them a space that is ‘makatao’. Complete with ac pa ha! If you know, you know. And not only that. You even thought of your friends’ driver/s and provided a space where they can hang out instead of waiting outside. This is so touching. More blessings to you and your family!”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending