Nico Bolzico nawalan ng pag-asa sa ‘missing’ pet cat 

Nico Bolzico nawalan ng pag-asa, 2 linggo nang ‘missing’ ang pet cat 

Pauline del Rosario |March 10,2024
facebook
share this

Nico Bolzico nawalan ng pag-asa, 2 linggo nang ‘missing’ ang pet cat 

Pauline del Rosario - March 10, 2024 - 12:15 PM

Nico Bolzico nawalan ng pag-asa, 2 linggo nang ‘missing’ ang pet cat 

PHOTO: Instagram/@solenn

NAWALAN na ng pag-asa ang mister ni Solenn Heussaff na si Nico Bolzico dahil hindi pa rin nila nahahanap ang nawawala nilang alagang pusa na si Negroni o mas kilala bilang si “El Gato.”

Sa pamamagitan ng Instagram, ibinandera ni Nico ang litrato ng anak nila ni Solenn na si Tili habang hawak-hawak ang kanilang pet cat.

Ayon sa Argentine lifestyle personality at entrepreneur, mahigit dalawang linggo nang hindi bumabalik ang kanilang pusa.

“It has been over two weeks since we lost El Gato. Not many hopes to getting him back!” caption niya sa post.

Dahil diyan, tila tuluyan na siyang namaalam kay Negroni.

Baka Bet Mo: Jeremy Jauncey kasapi na ng ‘Bullied Husbands Club’, ni-recruit agad ni Nico Bolzico

“We will miss you, but what I will miss the most, is the way you made Tili feel, as reflected in this pica!” mensahe niya sa alagang pusa.

Bandang huli ay inihayag ni Nico na umaasa sila na sana napunta sa mabuting pamilya ang kanilang fur baby.

“We can only hope that if anyone took you, that person brought you to a nice caring family, and you can make them feel the same joy you made us feel all these years!” ani niya sa IG.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Nico Bolzico (@nicobolzico)

Sa comment section, maraming celebrities ang nalungkot sa ipinost ng mister ni Solenn.

Kabilang diyan ang pet lovers na sina Heart Evangelista at Carla Abellana.

“Oh my God. I’m so so sorry [holding back tears emoji],” sey ni Carla.

Wika naman ni Heart, “I’m sorry to hear sos [sad face emoji].”

Napa-react din ang fellow celebrities na sina Iza Calzado, Wil Dasovich, Isabelle Daza, at marami pang iba.

Ilang linggo na ang nakararaan nang manawagan si Solenn sa publiko tungkol sa nawawala nilang pusa.

Ayon sa kanya, malakas ang kutob niya na ito ay ninakaw.

“I believe he was stolen as he likes to roam around, but he usually comes back,” caption niya kalakip ang itsura ni Negroni.

Panawagan niya pa, “If anyone tries to sell him to you, please [send me a direct message].”

Sa sobrang pagkaalala ng mag-asawa, naglunsad pa ng social media game si Nico para sa kanyang followers na ang tawag ay “Finding El Gato.”

Ngunit hanggang ngayon ay wala pa rin silang nakukuhang balita.

Taong 2016 nang ikinasal sa France ang model-actress at ang Argentine businessman.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Noong January 2020 nang isinilang ni Solenn si Tili at noong December 2022 naman ang second baby nila na si Maelys Lionel.

Maaalala na bago matapos ang taong 2023 ay lumipat sa bago nilang bahay ang pamilyang Bolzico matapos ang pitong taon.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending