Solenn umapela ng tulong, nawala ang pet cat

Solenn umapela ng tulong, nawala ang pet cat: ‘I believe he was stolen’

Pauline del Rosario - March 01, 2024 - 09:03 AM

Solenn umapela ng tulong, nawala ang pet cat: 'I believe he was stolen'

Solenn Heussaff, pet cat Negroni

NANAWAGAN sa publiko ang celebrity mom na si Solenn Heussaff matapos mawala ang kanyang pet cat na si “Negroni.”

Ayon sa kanya, malakas ang pakiramdam niya na ito ay ninakaw.

Sa Instagram Stories, ibinandera ni Solenn ang itsura ng nawawala niyang pusa at sinabing hindi na ito umuwi ng kanilang bahay.

“Hi, everyone. My cat Negroni aka ‘Gato’ has been missing,” anunsyo niya sa post.

Sey pa niya sa caption, “I believe he was stolen as he likes to roam around, but he usually comes back.”

Panawagan niya pa, “If anyone tries to sell him to you, please [send me a direct message].”

Baka Bet Mo: Payo ni Solenn sa mga taong ‘yes lang nang yes’: Speak up, it’s one thing I’m not good at…I’m a people pleaser

Solenn umapela ng tulong, nawala ang pet cat: 'I believe he was stolen'

PHOTO: Instagram Story/@solenn

Si Negroni ang isa lamang sa mga alagang hayop nila ni Solenn at mister na si Nico Bolzico.

Obvious naman na nag-aalala ang mag-asawa sa pagkawala ng kanilang pet cat kaya naman naglunsad na rin si Nico ng social media game para sa kanyang followers na ang tawag ay “Finding El Gato.”

Madalas din makita sa socmed posts ang pagiging malapit ng kanilang panganay na si Tili kay Negroni, pati na rin sa pet dog nila na si Pochola.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Solenn Heussaff (@solenn)

Taong 2016 nang ikinasal sa France ang model-actress at ang Argentine businessman.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Noong January 2020 nang isinilang ni Solenn si Tili at noong December 2022 naman ang second baby nila na si Maelys Lionel.

Maaalala na bago matapos ang taong 2023 ay lumipat sa bago nilang bahay ang pamilyang Bolzico matapos ang pitong taon.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending