Piolo Pascual gusto uling makasali sa 50th edisyon ng MMFF

Piolo gusto uling makasali sa MMFF 2024; Inigo tuloy ang Hollywood career

Ervin Santiago |March 06,2024
facebook
share this

Piolo gusto uling makasali sa MMFF 2024; Inigo tuloy ang Hollywood career

Ervin Santiago - March 06, 2024 - 08:04 AM

Piolo gusto uling makasali sa MMFF 2024; Inigo tuloy ang Hollywood career

Inigo Pascual at Piolo Pascual

WISH ng Kapamilya Ultimate leading man na si Piolo Pascual na muling mapasama sa Metro Manila Film Festival this 2024.

Pagkatapos maging blockbuster ng entry niyang “Mallari” sa MMFF 2023 at makatanggap ng mga papuri sa kanyang pagganap sa pelikula, gusto ni Papa P na makasali uli sa taunang filmfest.

Mas na-inspire pa kasi ang aktor na gumawa ng mga dekalidad na proyekto ngayong taon dahil sa tagumpay ng horror movie na “Mallari” kung saan nakasama niya sina Janella Salvador, JC Santos at Gloria Diaz.

Bukod sa malaking kinita at good reviews sa naturang pelikula, nanalo rin si PJ bilang Best Actor sa 1st Manila International Film Festival sa Los Angeles California.

Baka Bet Mo: Piolo Pascual hindi nagmamadaling magkadyowa: Darating naman tayo doon

At dahil nga rito, nais ni Piolo na maging part ng 50th o golden year ng Metro Manila Film Festival ngayong 2024.

“Marami na pong nagse-send ng scripts, for consideration for the MMFF 2024, but there is one project that we are zooming on, sana makasali.

“Hindi ko alam kung kasama ako sa cast, pero I still want to be part of the film festival on its 50th year. Sana makapag-participate tayo. Sana matanggap yung pelikulang gagawin natin,” pahayag ni Piolo sa panayam ng ABS-CBN.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Mentorque Productions (@mentorqueproductions)


Samantala, super proud dad naman si Papa P sa kanyang nag-iisang anak na si Inigo Pascual na gumagawa na rin ng sariling pangalan hindi lang sa Pilipinas kundi maging sa ibang bansa.

Ibinalita ng aktor na muling sumabak sa mga audition ang anak para sa ilang Hollywood projects. Ito’y matapos ang kanyang matagumpay na international TV series na “Monarch” kung saan nakasama niya si Susan Sarandon.

Baka Bet Mo: Piolo ang lalaking walang pahinga, after MMFF sabak agad sa Pamilya Sagrado

“Sine-send niya sa akin yung mga audition tapes niya, mga reels niya, and yung last audition niya, natanggap siya.

“Nakakatuwa, kasi he’s doing his own thing. And at the same time he has businesses on the side as well,” sey ni Papa P.

“Ito talaga yung gusto ng bata. Umaarte rin, kumakanta rin. He has my support through and through,” dagdag niya.

Samantala, todo na ang paghahandang ginagawa ni Piolo para sa next series niya sa ABS-CBN, ang star-studded na “Pamilya Sagrado” mula sa ABS-CBN Studios at Dreamscape Entertainment.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ilan sa makakasama sa serye sina Tirso Cruz III, John Arcilla, Aiko Melendez, Mylene Dizon, Rosanna Roces, Shaina Magdayao, Grae Fernandez, Kyle Echarri at marami pang iba.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending