Piolo lalaking walang pahinga, after MMFF sabak agad sa serie

Piolo ang lalaking walang pahinga, after MMFF sabak agad sa Pamilya Sagrado

Reggee Bonoan |January 16,2024
facebook
share this

Piolo ang lalaking walang pahinga, after MMFF sabak agad sa Pamilya Sagrado

Reggee Bonoan - January 16, 2024 - 08:58 AM

Piolo ang lalaking walang pahinga, after MMFF sabak agad sa Pamilya Sagrado

Piolo Pascual (Photo from Instagram)

SI PIOLO Pascual na talaga ang pinakasikat na aktor sa Pilipinas dahil sa sunud-sunod niyang mga proyekto noong 2023 hanggang ngayong 2024.

Hindi pa nga siya nakakapahinga mula sa mga patung-patong na promo at mall tours ng pelikula niyang “Mallari” para sa nakaraang Metro Manila Film Festival 2023 ay heto’t sasalang na ulit siya sa teleserye.

Kahapon ginanap ang storycon ng bago niyang TV series na “Pamilya Sagrado” sa Kapamilya network handog ng Dreamscape Entertainment na ididirek nina Lawrence Fajardo at Andoy Ranay.

Base sa post ng Dreamscape Entertainment, kasama ni Piolo sa serye sina Shaina Magdayao, Mylene Dizon, Kylie Echarri, Grae Fernandez, FDCP Chairperson Tirso Cruz lll, Rosanna Roces, Jeremiah Lisbo, Daniella Stranner, Alyanna Angeles, River Joseph, Valentino Jaafar, Mogs Cuaderno, Iana Bernardez, Micaela Santos, Dustine Mayores, Emilio Daez, Austin Cabatana, Marc Manicad, JC Galano, Ron Angeles, Rocky Labayen, John Joven Uy, John Arcilla, Joel Torre at ang nagbabalik-showbiz na si Aiko Melendez.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Nabasa nga namin sa mga comments tungkol kay Aiko, “EMILIA is back!”

Baka Bet Mo: Piolo posibleng mapasama sa Hollywood project ni Inigo: Let’s cross the bridge when we get there

Oo nga naman, pagkalipas ng anim na taon ay bumalik si Aiko sa Kapamilya network dahil ang huli pa niya ay ang “Wildflower” ni Maja Salvador.

May nagsabing tiyak na maganda ang bardagulan nina Aiko at Rosanna kaya aabangan talaga ito ng mga manonood.

Balitang sa Pebrero na ang simula ng taping ng “Pamilya Sagrado” at sa Baguio City ang entire location kaya lock-in sila.

Habang isinusulat namin ang balitang ito ay wala pa kaming detalye kung ano ang takbo ng kuwento at ano ang mga role na gagampanan ng bawa’t isa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Going back to Piolo ay nakapagpahinga na ba siya? Kasi sa pagkakaalam namin sa last week ng January ay may US trip siya para dumalo ng Manila International Film Festival na gaganapin sa Hollywood, California para i-represent ang “Mallari” kasama si Janella Salvador. Bukod sa US ay may Dubai trip din siya para sa isang Filipino show doon.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending