Kilalang female celeb na-shock sa itsura ng aktres

Kilalang female celeb na-shock sa itsura ng aktres na may entry sa MMFF 2023

Reggee Bonoan |January 08,2024
facebook
share this

Kilalang female celeb na-shock sa itsura ng aktres na may entry sa MMFF 2023

Reggee Bonoan - January 08, 2024 - 08:33 PM

Kilalang female celeb na-shock sa itsura ng aktres na may entry sa MMFF 2023

Guess, guess who!?

“BAKIT ganu’n itsura ni ____ (aktres) sobrang nakaka-distract ang itsura niya sa screen?”

Ito ang itinawag ng isang kilalang female celebrity sa amin tungkol sa aktres na kasama sa pelikulang napanood niya sa Metro Manila Film Festival 2023.

Sabi pa niya, “Ang ganda-ganda ng mukha niya, sinasayang naman niya ang maganda niyang face dahil malaki siya sa screen. Dalaga pa naman siya, pero mukha siyang tita.”

Napanood din namin ang pelikulang sinasabi ng kausap naming aktres at hindi lang kami ang nagulat maging ang ibang nanonood ay nagsabing, “Bakit ganyan siya kalaki? Mas malaki siya kaysa sa napapanood natin sa ____ (titulo ng programa).”

Inisip namin na baka may health condition ang aktres kaya ganu’n siya ka-chubby at baka nagte-take siya ng gamot tulad din ng kakilala naming personalidad na dumaan din sa isang kondisyon.

Baka Bet Mo: Reaksyon ni Ate Vi nang isilang si Luis: Bakit ganito itsura? Parang malaking daga!

At that time kasi ay under medication siya at ngayon ay okay na, wala ng bakas na dumaan siya sa pagiging plus size.

Sabi pa, “Wala bang look test na naganap bago siya kinuha sa movie?”

Baka naman hindi metikuloso ang direktor at producer kaya isinama sa pelikula.

Isa pang hirit sa amin, “Yung leading man kailangan ng maraming workshops bago isabak ulit sa aktingan.

“O, baka isa siya sa sinasabi ni Direk Joel Lamangan kapag may mga artistang hirap umarte. ‘Baka hindi para sa iyo ang pag-arte, hanapin mo ang karera na babagay sa iyo,'” ang sabi ng batikang direktor sa naturang artista.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Anyway, extended ang Metro Manila Film Festival 2023 hanggang Enero 14 kaya sa mga hindi pa napapanood lahat ng pelikula ay may pagkakataon pa kayo.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending