Gelli sa balikang KathNiel: Kung uukol, bubukol! Malay n'yo!?

Gelli sa balikang Daniel-Kathryn: Kung uukol, bubukol! Malay n’yo!?

Ervin Santiago |March 05,2024
facebook
share this

Gelli sa balikang Daniel-Kathryn: Kung uukol, bubukol! Malay n’yo!?

Ervin Santiago - March 05, 2024 - 12:45 AM

Gelli sa balikang Daniel-Kathryn: Kung uukol, bubukol! Malay n'yo!?

Gelli de Belen, Daniel Padilla at Kathryn Bernardo

MAPAGLARO ang tadhana, lalo na sa larangan ng pag-ibig — ngayon naghiwalay kayo, pero magbabalikan din pala sa ending.

Yan ang punto ng aktres at TV host na si Gelli de Belen nang tanungin kung posible pa kayang mabigyan ng second chance ang nasirang relasyon nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Naging close si Gelli kina Kath at DJ nang magkasama-sama sila sa matagumpay na Kapamilya series na “2 Good 2 Be True.”

Inamin ng aktres na tulad ng milyun-milyong Filipino, nalungkot at naapektuhan din siya nang maghiwalay ang dating celebrity couple.

Baka Bet Mo: Gelli de Belen happy wifey pa rin sa piling ni Ariel Rivera, 25 years nang nagsasama, nag-share ng tips sa mga mag-asawa

“Both close ako sa kanila. Kaibigan ko si Karla (Estrada, nanay ni Daniel). Pero, siyempre si Kath, baby girl ko kasi siya sa ‘2 Good 2 Be True’, kaya madalas ko siyang nakakasama. Saka, kapag girl, mas open.

“Si DJ, parang pamangkin ko na rin siya (dahil nga kay Karla),” pahayag pa ni Gelli sa presscon ng bago niyang TV show sa GMA 7, ang public service program na “Si Manoy Ang Ninong Ko” kasama sina Patricia Tumulak, Sherilyn Reyes at si Agri Party-list Rep. Wilbert Lee.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Sa tanong kung may feeling ba siya na pwede bang magkabalikan sina Daniel at Kathryn, “Hindi pa tapos ang buhay. Kami nga ni Ariel (Rivera) nagkabalikan, di ba?

“Isang beses din kaming nag-break ni Ariel noon. Hindi siya nakatiis. Siya ang nakipagbalikan!” ang super laugh na chika ni Gelli.

Dagdag sey pa ng aktres at TV host, “Mga bata pa naman sila. Kung uukol, bubukol! Malay mo?

“Pero kung hindi, maybe it’s time for them to do other things, and discover themselves. More than anything, sa kanila pa rin. Yun ang pinakaimportante!” ang magandang punto ni Gelli.

In fairness, idol talaga pagdating sa pakikipagrelasyon ang mag-asawang Gelli at Ariel na ilang taon na rin ngayong nagsasama at wala ring intriga o tsismis sa kanilang pagsasama.

Paalala ni Gelli sa mga magkarelasyon, “Kapag mahal mo ang isang tao, kapag nahihirapan ka masyado, kapag sumasama ang ugali mo, baka it’s time to move on.

Baka Bet Mo: Gelli, Ariel never pang nag-away sa 25 years na pagsasama bilang mag-asawa: ‘Hindi pa kami nagdabugan at nagmurahan’

“Pero ang pinakaimportante huwag mong iaasa sa kanya o sa partner mo ang kaligayahan mo. Kailangan maligaya ka on your own. You love yourself. You’re happy to be yourself.

“Importante kasi yun, bago ka may makasama na iba, na magwu-work. Kasi ang tendency, kung marami kang insecurity, hindi ka happy sa sarili mo, hindi ka proud sa sarili mo, hahanapin mo sa ibang tao ang happiness at pride na yun, eh.

“Kawawa rin sila, dahil hindi nila maibibigay yun sa ‘yo. Kailangan buo ka muna. Kami ni Ariel, ganu’n kami.

“Pero, kapag may mahal ka talaga, parang gusto mo talagang mag-give. Huwag kang magbilang ng binigay mo, kung ilan binigay mong bulaklak, kung ilan ang binigay mong services. Huwag mong bibilangin.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Basta if you love someone, give it. If it doesn’t come back, it doesn’t come back, pero happy ka kasi binigay mo,” ang words of wisdom pa ni Gelli about love and relationship.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending