Gelli, Ariel never pang nag-away sa 25 years na pagsasama bilang mag-asawa: 'Hindi pa kami nagdabugan at nagmurahan' | Bandera

Gelli, Ariel never pang nag-away sa 25 years na pagsasama bilang mag-asawa: ‘Hindi pa kami nagdabugan at nagmurahan’

Ervin Santiago |April 11,2023
facebook
share this

Gelli, Ariel never pang nag-away sa 25 years na pagsasama bilang mag-asawa: ‘Hindi pa kami nagdabugan at nagmurahan’

Ervin Santiago - April 11, 2023 - 07:38 AM

Gelli, Ariel never pang nag-away sa 25 years na pagsasama bilang mag-asawa: 'Hindi pa kami nagdabugan at nagmurahan'

Ariel Rivera at Gelli de Belen

“KAYO na talaga Gelli de Belen at Ariel Rivera! Kayo na!” Yan ang reaksyon ng mga fans matapos marinig ang ilang rebelasyon ng mag-asawa tungkol sa kanilang relasyon as married couple.

Knows n’yo ba na sa 25 years ng pagsasama nina Ariel at Gelli bilang mag-asawa ay never pa silang nagkaroon ng matinding away o hindi pagkakaunawaan.

Limang taon naging magkarelasyon ang celebrity couple bago sila nagdesisyong magpakasal.

Ayon kay Ariel, may mga pagkakataon na nagkakatampuhan sila ni Gelli noong nasa boyfriend-girlfriend stage pa lang sila pero nang magpakasal na sila ay wala na silang naging issue tungkol sa kanilang pagsasama.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Gelli de Belen-Rivera (@gellidebelen)


“Noong boyfriend-girlfriend. Mag-asawa hindi kami nag-aaway,” sabi ng OPM singer at aktor sa podcast nina Gelli, Candy Pangilinan, Janice de Belen at Carmina Villarroel na “Wala Pa Kaming Title.”

Ayon naman kay Gelli, noong boyfriend pa lang niya si Ariel ay talagang sinasabi niya ang lahat ng kanyang nararamdaman, lalo na kapag meron silang mga issues in life.

“Alam n’yo naman na madaldal ako, lalo na noong bago kami, parang takang-taka ako sa mga bagay-bagay, kapag may misunderstanding ayoko talaga.

“Very vocal ako. This was when we’re just dating at saka hindi ko pa siya ganoon kakilala. Hindi pa rin ako mature,” pambubuking pa ni Gelli sa sarili.

Dagdag pa niya, hindi sumasagot si Ariel sa kanya, “Dada dada, tapos siya ayaw niya. Ayaw niya akong i-engage, hindi niya ako pinapatulan. Umiiwas siya, lumalayo siya. Nagtataka ako, ‘ano ba tapusin natin, ayusin natin ‘to.'”

“Eventually, I realized oo nga kapag mainit ang ulo, you tend to say a lot of things that are hurtful. You can’t take that back,” pahayag pa ng aktres.

Amg one-liner hirit naman ni Ariel sa kanyang wifey, “It’s how you say it.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Gelli de Belen-Rivera (@gellidebelen)


Reaksyon uli ni Gelli, “Siya, kalma lang, iwas. Confrontational kasi ako noon. Eventually habang tumatanda kami, mag-asawa na kami, na-realize ko, trying to fix things right then and there, it’s not always the right solution.”

Sey pa ng mag-asawa, hindi rin sila naniniwala na kailangang ayusin nila ang problema bago matulog. Katwiran ni Ariel, “Hindi kami nag-aaway, nagtatampo kami kapag let’s say may nangyari tapos hindi kami mag-uusap.”

Sey ni Gelli, never silang nagmurahan, nagsigawan at nagbatuhan ng gamit sa loob ng 25 years nilang pagsasama na sinegundahan ni Ariel. Aniya, “respeto” is the key.

“Ako I make it a point, even the early onset of marriage, hindi ko sasabihin sa kanya can you please shut up. It’s a no-no for me. Not even shut up, ‘yung tumahimik ka nga. Hindi puwede ‘yun,” sabi pa ng singer-actor.

Paliwanag pa ni Ariel, “I always tell her and the kids, there’s always a nice way to say things in every situation. There’s always a nice way to say things lalo na kapag may bumabangga sa ‘yo na mainit ang ulo. Kapag binangga mo you will never resolve the problem.”

Sinang-ayunan naman ito ni Gelli, “You can get your point across without having to hurt the person naman, e.”

Ariel ibinuking ang sikreto sa 25 years na pagsasama nila ni Gelli bilang mag-asawa: I just listen to my wife, that’s it!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ariel out na sa ‘Lunch Out Loud’; Direk Bobet may kinalaman kaya?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending