Gelli de Belen happy wifey pa rin sa piling ni Ariel Rivera, 25 years nang nagsasama, nag-share ng tips sa mga mag-asawa | Bandera

Gelli de Belen happy wifey pa rin sa piling ni Ariel Rivera, 25 years nang nagsasama, nag-share ng tips sa mga mag-asawa

Ervin Santiago |March 29,2023
facebook
share this

Gelli de Belen happy wifey pa rin sa piling ni Ariel Rivera, 25 years nang nagsasama, nag-share ng tips sa mga mag-asawa

Ervin Santiago - March 29, 2023 - 08:35 AM

Gelli de Belen happy wifey pa rin sa piling ni Ariel Rivera, 25 years nang nagsasama, nag-share ng tips sa mga mag-asawa

Gelli de Belen at Ariel Rivera

ISA ang mag-asawang sina Gelli de Belen at Ariel Rivera sa nga showbiz couple na talaga namang solid na solid pa rin ang pagsasama hanggang ngayon.

In fairness, parang walang tsismis at intrigang ikinakabit sa pagsasama nina Ariel at Gelli. Tahimik lang ang kanilang pagsasama kahit pa very active pa rin sila sa mundo ng showbiz.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Gelli de Belen-Rivera (@gellidebelen)


Ayon sa aktres, napakahalaga sa isang relasyon ang open communication dahil kapag ito raw ang nawala siguradong magkakaroon ng mga isyu at problema ang mag-asawa.

Baka Bet Mo: Gelli, Ariel proud sa pagtatapos ng anak sa Canada, pero may nakalimutang gawin sa graduation

“You try to understand, really understand what you’re partner is saying,” ang sabi ni Gelli sa nakaraang episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” na 25 years nang kasal kay Ariel.

Aniya pa, “It helps that you’re together all the time but you really have to communicate,” aniya pa.

Dagdag pang pahayag ni Gelli, aside from open communication at enjoy-enjoy lang sa buhay, ang isa pang payo niya sa mga magkarelasyon ay palaging magpakatotoo at huwag pababayaan ang sarili kahit may asawa’t pamilya na.

“You need to do other things and not just be together all the time. You also have to be yourself, don’t lose yourself,” sey pa ng wifey ni Gelli.

“Find something you love doing that makes you happy even if you’re not with your partner,” dagdag pa niya.

Ikinasal noong 1997 sina Gelli at Ariel at biniyayaan ng dalawang anak — sina Julio at Joaquin na parehong nag-aaral ngayon sa Canada.

Ariel ibinuking ang sikreto sa 25 years na pagsasama nila ni Gelli bilang mag-asawa: I just listen to my wife, that’s it!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Carmina, Gelli, Janice, Candy solid na solid pa rin ang friendship: Lahat talaga kami super daldal

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending