Ariel out na sa 'Lunch Out Loud'; Direk Bobet may kinalaman kaya? | Bandera

Ariel out na sa ‘Lunch Out Loud’; Direk Bobet may kinalaman kaya?

Reggee Bonoan |November 11,2021
facebook
share this

Ariel out na sa ‘Lunch Out Loud’; Direk Bobet may kinalaman kaya?

Reggee Bonoan - November 11, 2021 - 01:00 PM

Ariel out na sa 'Lunch Out Loud'; Direk Bobet may kinalaman kaya?

TRULILI kaya na biktima si Ariel Rivera ng cost-cutting o may taong nasa likod para mawala siya sa “Lunch Out Loud”?

Ilang araw na ang nakararaan ng mabalitang nag-resign na ang TV host/singer dahil hindi niya tinanggap ang alok na hindi na siya araw-araw papasok sa “Lunch Out Loud” sa TV5 kung saan isa siya sa mga regular hosts na napapanood kasama sina Billy Crawford, Bayani Agbayani, K Brosas, Alex Gonzaga at marami pang iba.

View this post on Instagram

A post shared by Lunch Out Loud (@lunchoutloudph)

Sa programang “Cristy Ferminute” nina Nanay Cristy Fermin at Romel Chika ay nabigyan ito ng linaw base sa source ng online host.

“Ilang araw na ang nakararaan, may mga sources na ako na nagsasabi na umalis na si Ariel Rivera sa Lunch Out Loud.

“Ganito ang kuwento, nagkakaltas na naman sila (Brightlight Productions) ng budget, nagko-cost cutting na naman sila.

“Ang pamimilian ay mayroong matatanggal, mayroong mag-stay pero babawasan ng exposure sa loob ng isang linggo at babawasan ng suweldo o alternate lang.

“Ngayon ang in-offer nila kay Ariel (ay) alternate schedule, siyempre hindi na pumayag si Ariel.

“Hindi naman sa pagmamayabang ng pamilya ni Ariel, Ariel Rivera ka na ikaw pa ang bibigyan ng ganu’n alok na babawasan ka. Siguro puwedeng tatlong beses ka na lang saisang linggo o dalawa parang ganu’n.

“So, hidi tinanggap ni Ariel. Nag-resign na lang siya. Umalis na lang siya sa Lunch Out Loud,” kuwento ni ‘nay Cristy tungkol sa senaryo.

Pero ang tunay na dahilan pala ayon sa source ng batikang manunulat at host, “isang source ko naman ang nagsabi na matagal na palang alam ng kanilang creative head na si Bobet Vidanes na nayayabangan sa kanya si Ariel.

“Natural napakaliit ng mundo nila may nakakarinig at may nagpaparating siguro kay Bobet.

“So, kesa nga namang tanggapin niya (Ariel) na bawasan siya ng exposure o bawasan siya ng suweldo umalis na lang siya.

“Sabi nga nu’ng source ko nakakita na naman si Bobet ng pagkakataon para matanggal ang taong ayaw sa kanya.”

Sundot naman ni Romel Chika, “namemersonal talaga, personal talaga ang datingan pag hindi niya bet. Talagang may paraan siya para ma-tsugi ang mga tao, kawawa naman.”

“May isa namang nagtext sa akin pagkatapos umalis ni Ariel,” sabi ni ‘nay Cristy habang binabasa ang mensahe sa kanyang cellphone.

‘Nay alam mo na ba na meron talagang balat itong si Bobet, lumubog ang barkong dating sinasakyan sa ABS-CBN kaya siya lumundag ng network. Ngayon, palubog na naman ang barkong sinamahan niya.

“Ibig sabihin pababa nang pababa at mukhang bilang na ang panahong ipamamalaki pa ng Lunch Out Loud parang ganu’n ang ibig sabihin ng texter ko,”kuwento ni ‘nay Cristy.

Hirit naman ni Romel Chika, “may nabasa naman ako sa comment section na dapat hindi si Ariel ang tinanggal dapat si Bobet daw, ha, haha.”

“Dalawa nga ang sinasabi na dapat daw si Bobet Vidanes at si Billy Crawford,”sabi pa ng host ng programa.

Nabanggit din ang pamimigay ng pera ni Billy sa segment nitong siya ang sumasagot ng mga problema ng contestant.

“Yung sinasabi niyang ako na ang sagot, ang totoo po do’n, pera naman po ng production ‘yun hindi naman kay Billy Crawford.

“Papaano namang magiging kay Billy Crawford ng premyo, e, nangangailangan din naman si Billy Crawford. Ang dalas naman at umiikot naman ang balitang ang dami niyang utang? Marami rin siyang maniningil,” kuwento ni ‘nay Cristy sa CFM.

Going back to Ariel ay diretsong sinabi pa na malaking kawalan siya sa LOL. Dapat ay sa “Kantrabaho” lang ang mang-aawit bilang isa sa hurado at dahil nagustuhan niya ang samahan ng programa kaya tumagal siya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bukas ang BANDERA sa panig ni Ariel Rivera at Direk Bobet Vidanes tungkol sa isyu.

Related Chika:
Gelli binalikan ang laban nila ni Ariel kontra-COVID: Nakakabaliw pala ‘yun!
Bobet Vidanes tinawag na ‘sinungaling’; aware na papasok si Kim sa ‘It’s Showtime’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending