Gelli binalikan ang laban nila ni Ariel kontra-COVID: Nakakabaliw pala 'yun! | Bandera

Gelli binalikan ang laban nila ni Ariel kontra-COVID: Nakakabaliw pala ‘yun!

Ervin Santiago - May 16, 2021 - 09:47 AM

“SA totoo lang, feeling mo, delubyo na ito!”

Ito ang bahagi ng naging pahayag ni Gelli de Belen nang balikan ang pakikipaglaban nila ng asawang si Ariel Rivera sa COVID-19.

Sa kanyang latest vlog, nagkuwento ang TV host-actress tungkol sa pinagdaanan nila ni Ariel nang tamaan ng killer virus hanggang sa maging COVID-19 survivors.

Nakasama ni Gelli sa nasabing vlog ang kapatid na si Janice de Belen at mga BFF niyang sina Carmina Villaroel at Candy Pangilinan. Dito niya ibinahagi na nitong nagdaang February sila na nagka-COVID-19 ni Ariel.

Aniya, nagsimula ang lahat nang ma-expose ang asawa sa isang taong nagpositibo sa virus, “Share ko lang, hindi ko ito sini-share sa marami. Kami ni Ariel, we had COVID.

“Si Ariel, nagkaroon siya ng sipon. Naglilinis kami ng bahay no’n, parang feeling namin, allergy-allergy lang. Hindi naman pala. Iyong sipon niya, nahawa ako agad.”

“So, feeling namin wala lang, may sipon, flu. Tapos, nagsabi ‘yung kaibigan niya na mayroon siya. So, si Ariel, ‘Oh, my God, baka pati ako?’ Eh, magte-taping siya the next week. Nag-COVID test siya, positive siya,” pahayag pa ni Gelli.

“So noong nag-positive siya, 99% sure, sigurado mayroon din ako. After a couple of days, I decided to still get myself checked. Of course, obviously, positive ako. I had all the symptoms,” chika pa ng TV host.

Ang talagang ikinatakot ni Gelli ay nang mawalan na siya ng panlasa at pang-amoy, lalo na nang makaramdam siya ng kakaibang pananakit ng katawan.

“Wala akong pang-amoy, panlasa, tapos ang sama ng pakiramdam. Alam mo ‘yong pakiramdam na nag-treadmill ka ng apat na oras, nag-weights ka ng dalawang oras.

“Tapos the next day, ‘yon ang pakiramdam mo, exhausted. Ang bigat, ang sakit sa katawan talaga,” aniya pa.

“I actually tried to make light of whatever I’m feeling and siya rin, para hindi mag-worry ang isa’t-isa. Pero sa totoo lang, feeling mo, delubyo na ito, ‘yung ganoon.

“Pero ang maganda lang sa akin, suwerte ko lang kasi sabay kami ni Ariel. For other people, wala talaga, mag-isa lang sila,” aniya pa.

Pagpapatuloy pa ni Gelli, “‘Yung worry na ‘yan, okay lang na dalawang araw, tatlong araw, isang linggo. Pero kapag umabot ka na ng 15 days, parang teka muna, nakakabaliw pala ‘yon.”

Kuwento pa ni Gelli, mas nauna siyang gumaling kay Ariel dahi, “Nagkaroon kasi siya ng cough, medyo nahirapan siyang mag-recover.

“And there would be times na hindi niya lang ipinapakita sa akin, pero talagang gusto na niyang, ‘Halika na, pumunta na tayo para magpasugod sa hospital.’ Pero kinakaya pa rin niya talaga.

“There was one time, nasa banyo siya naliligo, he had to sit on the floor. Kasi hinihingal siya at saka parang nahihirapan siyang huminga, may ganoon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“So kung kami ganoon, what more ‘yung mga nasa ospital. Totoo ito, totoo ang pinagdadaanan ng lahat,” pahayag pa ni Gelli.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending