Bobet Vidanes tinawag na 'sinungaling'; aware na papasok si Kim sa 'It's Showtime' | Bandera

Bobet Vidanes tinawag na ‘sinungaling’; aware na papasok si Kim sa ‘It’s Showtime’

Reggee Bonoan |October 22,2021
facebook
share this

Bobet Vidanes tinawag na ‘sinungaling’; aware na papasok si Kim sa ‘It’s Showtime’

Reggee Bonoan - October 22, 2021 - 07:07 PM

Direk Bobet tinawag na 'sinungaling'; aware na papasok si Kim sa 'It's Showtime'

MALILIMUTIN na ba si Direk Bobet Vidanes? Sinabi niya kasing hindi niya alam na papasok si Kim Chiu bilang isa sa host ng “It’s Showtime” noong nandoon pa siya at hindi pa tumawid sa “Lunch Out Loud” ng TV5.

Isa ito sa mainit na pinag-usapan nina Ogie Diaz at Mama Loi kasama sina Tita Jegs at Dyosa Pockoh sa kanilang Showbiz Update YouTube channel na in-upload nitong Huwebes, Okt 21.

“Si Direk Bobet nagsalita na hindi raw siya aware na mainstay o magiging regular na host doon (It’s Showtime) at pinatutungkulan niya ay si Kim Chiu,” bungad ni Ogie.

At kaagad itong kinurek ng taga-Showtime ayon sa talent manager/vlogger.

“Mayroong taga-Showtime na nakausap natin at naka PM (private message), sinabi niya (binasa ang messages sa cellphone), ‘nakita ko lang na may sinabi pala siyang hindi siya in-inform na papasok si Kim Chiu?

“’Yung presentation na ‘yan nandiyan ako sa zoom kaya alam ko. Naiinis lang ako kasi kami pa ang pinalalabas na masama after one-year ng pag-alis niya.

“Napaka-sinungaling ng direktor na ‘yan! Prinesent sa kanya nan aka-power point pa sa zoom meeting na papasok new host si Kim Chiu kasabay ng mga new segment na ilo-launch.”

At mukhang hindi ito maikakaila ni Direk Bobet dahil pati ang suot at ginagawa niya ng mga oras na isinasagawa ang zoom meeting ay nailarawan ng kausap ni Ogie na taga-Showtime.

Sa pagpapatuloy ng pagbabasa nito, “Nasa garahe pa siya ng bahay niya nu’ng prinesent ito. Naka-white sando pa siya at nagwa-wine (umiinom). So, paanong hindi niya alam ang pagpasok ni Kim Chiu? ‘Wag ako direk!”

“Me ganyan,” sambit ni mama Loi.

“Oo nakakaloka! Ano kaya ang masasabi ni Direk Bobet? Siyempre Direk Bobet, bukas ang show namin para sa panig mo, malaya kang makakapagsalita rito. Pero siyempre ‘wag mo na akong pilitin kung sino nagsabi, ha, hahaha” tumawang sabi ni Ogie pati nina mama Loi, tita Jegs at Dyosa Pockoh.

May tinanungan din kaming taga-Showtime tungkol dito at ang paliwanag naman sa amin, “oo present din ako noon sa zoom meeting, prinesent ng creative namin ‘yung power point kay Direk Bobet, lahat naman ng nangyayari sa show sinasabi sa kanya kasi siyempre direktor siya. Baka siguro nakaligtaan niya?”

Sabi namin na nagwa-wine o umiinom ng wine noon si Direk Bobet, baka naman marami na ang nainom at nalasing?

“Hindi naman ‘yun, wine lang. Baka lang nakaligtaan na sa rami ng iniisip. Minsan may ganu’n tayo di ba? Nakakalimutan tapos late mo na maalalala,” sabi ng kausap naming taga Showtime.

E, teka nga isang taon na ang nakalipas nga naman bakit naungkat ang isyung ito? Ay kasi nagdiwang ng kaarawan niya si direk Bobet sa sa LOL at natanong siya kung bakit siya umalis ng Showtime.

Move-on n asana lahat tutal masaya naman na ang mga taga Showtime kahit wala si direk Bobet at siya rin naman ay masaya na sa nilipatan niyang programang LOL sa TV5.

Related chika:

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Direk Bobet Vidanes nilait sina Vice at Vhong, ani Cristy Fermin
Direk Bobet Vidanes sa pag-alis sa It’s Showtime: It’s not about money

Follow us: @banderaphl on Twitter | Bandera on Facebook

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending