SB19 Justin may dream role: Gusto ko mamamatay ako sa ending

SB19 Justin may dream role: Basta ang gusto ko mamamatay ako sa ending

Ervin Santiago |March 03,2024
facebook
share this

SB19 Justin may dream role: Basta ang gusto ko mamamatay ako sa ending

Ervin Santiago - March 03, 2024 - 10:01 AM

SB19 Justin may dream role: Basta ang gusto ko mamamatay ako sa ending

SB19 Justin De Dios

KUNG mabibigyan ng pagkakataon, gusto na ring karirin ng SB19 member na si Justin De Dios ang pagiging artista bukod sa pagkanta.

Mukhang nag-enjoy nga nang bonggang-bongga si Justin sa naging experience niya sa kanyang special guest appearance sa hit Kapamilya series na “Senior High” na pinagbidahan ni Andrea Brillantes.

Bukod daw sa aktingan, pangarap din daw niyang subukan ang mga trabaho sa likod ng mga camera.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by SB19 Justin De Dios✨ (@sb19_justin7)


“Ngayon po mag-start ako as a musician, but hopefully, in the future, po ma-experience ko rin yung iba’t ibang part ng entertainment industry, like acting.

Baka Bet Mo: Justin Bieber tinamaan ng COVID-19, concert sa Las Vegas hindi natuloy

“Gusto ko rin po sana makapagdirect ng music video ng ibang artist or makagawa po ng film or movies,” pagbabahagi ni Justin sa panayam ng media.

“Hopefully po ang gusto ko po sana mangyari is ma-venture ko rin nga po yung iba’t ibang part ng entertainment industry.

“So, other than music, siyempre ngayon promote tayo ng songs pero afterwards sana po ma-experience ko more yung acting and directing. So, sana po makapasok po sa film industry,” aniya pa.

“Kasi noong na-experience ko rin siya doon sa Senior High po, sabi ko ’ah it’s a new world’. Very ibang-iba po siya sa environment sa music na part.

“So, parang gusto ko pa itry, gusto ko pa tingnan yung bigger picture kasi very cameo lang po ako that time eh. So, gusto ko pa po ma-experience ang more,” dugtong pa ng SB19 member.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by SB19 Justin De Dios✨ (@sb19_justin7)


Nagpasalamat naman siya sa ABS-CBN dahil binigyan siya ng chance na maipakita ang kanyang talento sa pag-arte kahit sa maikling panahon lamang.

“Yung reaction ko po doon ‘hala grabe naman si ABS.’ Kasi po cameo lang siya so hindi ko in-expect na talagang kakalat siya all over social media.

Baka Bet Mo: Dating glam team ni Heart Evangelista nagsalita na, dinenay na pera ang dahilan ng paglayas

“Thank you po ABS for giving that chance and opportunity. Super na-overwhelm ako and thankful na sana po magkaroon pa po ako ng projects.

“Kung bibigyan po ako ng chance na papiliin kung anong gustong genre, gusto ko po yung parang coming of age na type although over age na ako. Pabatain na lang ng kaunti,” natawang biro ni Justin.

“Coming of age na maraming learnings na medyo may drama ng kaunti. Basta ang importante po ang gusto ko ay mamamatay ako sa ending. Yun yung goal.

“I don’t know, kaya ayaw ko po maging bida kasi gusto ko po mamatay sa ending,” aniya pa.

Sino naman ang gusto niyang makatrabaho sa kanyang future projects, “Kahit sino po, open ako. Basta, siguro po what I can say about it, is dapat po siguro na it’s something na deserve ko not just because na gustong-gusto ko lang siya or tinray kong kunin but then at least deserve ko yung magiging role ko.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Kung may magiging ka-partner man ako or ka-work, it is something din na deserve ko siyang makatrabaho,” aniya pa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending