Kelvin Miranda binanatan sa pagnguya ng chewing gum

Kelvin Miranda binanatan sa pagnguya ng chewing gum, nag-sorry naman agad

Reggee Bonoan |February 29,2024
facebook
share this

Kelvin Miranda binanatan sa pagnguya ng chewing gum, nag-sorry naman agad

Reggee Bonoan - February 29, 2024 - 01:58 PM

Kelvin Miranda binanatan sa pagnguya ng chewing gum, nag-sorry naman agad

Kelvin Miranda

SA nakaraang premiere night ng programa sa telebisyon na pinagbibidahan ni Kelvin Miranda ay nakatikim siya ng bashing dahil sa pagnguya ng chewing gum.

Nasa entablado ang aktor kasama ang isang aktres na bida rin sa pelikula ay kapansin-pansin ang pagnguya nito nang walang patumangga bagay na hindi ikinaganda ng imahe niya.

Actually, pinangaralan ang aktor ng ilang kasamahan sa trabaho na hindi dapat ganu’n ang gawin nito kapag sa mga ganu’ng okasyon.

Nakarating ito kay Kelvin at humingi kaagad siya ng dispensa, dala lang daw iyon ng nerbyos dahil first time niyang maging bida sa pelikula.

Ang sagot ng aktor, “Pag nguya ng gum sa premier at TV. Opo ako nga po ito. Kalma lang po kayo, wala naman akong gustong bastusin or tapakan na moral dito. Sa akin lang ay bago pa po sa akin ang pakiramdam ng lahat, di ko alam paano i-handle ang emosyon at lahat ng pangyayare.

Baka Bet Mo: Kelvin Miranda sa pa-blind item ni Darryl Yap: ‘Wag po muna tayo mag assume

“Idinaan ko na lang sa pagtsu-chewing gum. Pero ‘wag kayo mag-aalala humihingi ako ng pasensya sa lahat at hindi na mauulit. Naging coping mechanism ko siya which is not good.

“Hindi ko siya ginagawa para magmukhang gwapo or pagpapagwapo sadyang doon ko binubuhos ang panginginig ng katawan ko dahil sa nerbiyos.

“Hirap ako i-manage ang nararamdaman ko nu’ng mga oras na yun. Again pasensya na sa lahat ng nakapuna. Salamat sa pagpuna nito, gagawin kong aral at hindi na masundan pa ng ibang pagkakataon,” sabi ng binata.

Ipinagtanggol din si Kelvin ng manager niyang si Tyrone Escalante at ipinost niya ito sa social media.

Aniya, “Pasensya na po at sadyang inaatake lang s’ya ng pressure at nerbyos, nagkaroon lang siya ng anxiety attack at hindi naman n’ya ginusto na makabastos kaya dinaan niya sa pagnguya ng chewing gum sadyang bago lang ito sa pakiramdaman niya dahil una n’ya po eto.”

Marami na kaming nakausap na nakatrabaho ni Kelvin Miranda at iisa ang sinasabi ng lahat, ‘mabait na bata, walang ere at propesyonal.’”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Naniniwala nga kami na inatake ang aktor ng nerbiyos, kaya sa pagnguya ng chewing gum niya idinaan. Isa pang maganda kay Kelvin ay kaagad siyang humihingi ng dispensa kapag alam niyang mali siya at hindi siya nagde-deny.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending