Tom handa nang sumabak sa showbiz matapos mag-move on

Tom handa nang sumabak sa showbiz matapos mag-move on: Buo na uli ako!

Ervin Santiago - February 29, 2024 - 06:05 AM

Tom handa nang sumabak sa showbiz matapos mag-move on: Buo na uli ako!

Tom Rodriguez

BUONG-BUO na uli ang Kapuso actor na si Tom Rodriguez matapos ang kontrobersyal na paghihiwalay nila ng dating asawang si Carla Abellana.

More than two years ding namalagi ang aktor sa Amerika after ng breakup nila ni Carla at ngayon nga ay handa na uli siyang magbalik-showbiz na super na-miss niya nang bonggang-bongga.

Last month bumalik sa Pilipinas si Tom na nagdesisyong magtungo sa Arizona, USA noong 2022, matapos ang pinag-usapang hiwalayan nila ni Carla.

Ayon kay Tom, simpleng buhay ang naranasan niya sa Amerika at napakarami raw niyang natutunang life lessons habang naroroon at malayo sa mundo ng showbiz.

Baka Bet Mo: Aga Muhlach hindi nakikialam sa mga diskarte sa buhay ni Atasha; ibinuking ang kuwento ng anak tungkol sa parking lot

“Two weeks lang dapat ako nandoon. Nawili rin ako. Long story short, I really had to take time to really recover and now, I do feel na buo na ako ulit,” ang pahayag ni Tom sa panayam ng “24 Oras” sa GMA 7.

Patuloy na pagbabahagi ni Tom, habang nagmu-move on sa paghihiwalay nila ni Carla, natuto rin siyang magluto at maglaba ng kanyang mga damit.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Tom Rodriguez (@akositomrodriguez)


“Nawili din ako na when I started taking on responsibilities for myself, maintaining the household, learning to cook, learning to do laundry, ‘yung washing machine tsaka dryer doon, mag-grocery, couponing, all that stuff. Na-enjoy ko,” kuwento ng aktor.

Baka Bet Mo: Carla tuloy ang pagla-like sa pang-ookray ng netizens kay Tom; imposible na bang magbalikan?

Bukod sa mga gagawin niyang acting projects sa telebisyon, babalik din siya sa theater industry. Makakasama siya sa concert version ng “Ibarra: The Musical,” na mangyayari sa second quarter ng 2024.

“I’m glad na they offered me this role. I’ve been really yearning to be back into theater and napagbigyan uli,” ani Tom.

Samantala, balik-social media na rin daw ang aktor ngayon kasabay ng pag-aming naninibago siya pagpo-post ng mga kaganapan sa kanyang personal life at career dahil matagal din siyang nag-socmed detox.

“Medyo hindi pa ako sanay mag-social media uli. So I’ve been trying to force myself to go back.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“I’m on TikTok din, I’m starting to push myself out of my comfort zone kasi nakaka-spoil pala ‘yung wala. It’s nice din to reconnect with the people. Kaya I’m trying to push myself to go out of my ermitanyo mode,” sey pa ng aktor.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending