Carla nabenta ng P2,500 ang shoes na inokray ng mga netizens

Carla Abellana nabenta ng P2,500 ang sapatos na inookray ng netizens

Therese Arceo - February 10, 2024 - 09:56 PM

Carla Abellana nabenta ng P2,500 ang sapatos na inookray ng netizens

SOLD o nabenta na ang kontrobersyal na ibinebentang pre-loved shoes ng Kapuso actress na si Carla Abellana.

Base sa updated Instagram post ng IG page ng aktres ay may nakakuha na ng kanyang ibinibentang ballet flats.

“SOLD!!!French Sole Leopard Ballet Flats, size 36.5, made in Spain. Lowered P2,500.00,” saad sa post ng Carla Abellana’s closet.

Matatandaang nag-trending kamakailan ang Kapuso actress matapos okrayin ng mga netizens ang kanyang mga pre-loved items dahil halatang gamit na gamit na raw ito at nasa kondisyon raw na halos pamigay na ayon sa netizens.

May ilan pa na nagsabing parang hindi raw gumagamit ng kotse si Carla at “nanlilimahid’ raw ang suwelas ng kanyang mga binibentang sapatos.

May ilan rin na tumawag ng “dugyot” sa Kapuso star habang inookray ang mga paninda nito na ang proceeds ay para sa organisasyon na nais tulungan ng aktres.

Baka Bet Mo: Carla Abellana inokray sa for sale na pre-loved item, dugyot daw?

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Sa kabila naman ng mga negatibong komento ng ilang netizens sa kanyang post ay may mga tao pa ring nagtanggol kay Carla.

““Di na mawawala mga negastars na yan mam..salamat ng marami sa pag tulong mo sa mga abused and rescue animals. Bayani ka honestly,” saad ng isang netizen.

Comment naman ng isa, “Hayaan mo po sila Ms. Carla. Dami po talaga perfect na di na nila maintindihan ang ‘Preloved’ na term.”

“Never waste your time on bashers. Bashers are always going to bash. There is NO reasoning with them. The more you make sense, the more it fuels them to hurt you. Focus and pay attention only to those who support and love you,” sey naman ng isa.

Nang matanong naman siya sa isyung overpriced raw ang kanyang mga ibinebenta, agad na umalma si Carla.

“Hindi yun totoo, grabe kayo!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“I would sell something na much less naman than how much I got it for, di ba? Lalo na dahil yung condition niya depende rin doon,” paliwanag ni Carla.

Chika pa niya, choice naman daw ng madlang pipol kung bet ng mga ito na bumili ng kanyang pre-loved items.

“Well, choice naman nila iyon if they’re interested. If they want to buy it or not,” sey pa ni Carla.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending