Carla Abellana inokray sa for sale na pre-loved item, dugyot daw?

Carla Abellana inokray sa for sale na pre-loved item, dugyot daw?

Therese Arceo |February 06,2024
facebook
share this

Carla Abellana inokray sa for sale na pre-loved item, dugyot daw?

Therese Arceo - February 06, 2024 - 03:17 PM

Carla Abellana inokray sa for sale na pre-loved item, dugyot daw?

Carla Abellana

UMANI ng iba’t-ibang reaksyon mula sa madlang pipol ang mga ibinibentang pre-loved items ng Kapuso actress na si Carla Abellana.

Matatandaang kamakailan lang nang ibandera ng aktres sa madlang pipol ang Instagram page kung saan magpo-post siya ng kanyang mga ibebentang gamit na may mga brand new at pre-loved items na kanyang pag-aari.

Kaya naman may mga netizens ang nag-abang sa kanyang Carla Abellana’s Closet page upang ma-check ang mga pwedeng mabili.

Ngunit imbes na mag-mine ay tila may ibang napansin ang mga netizens sa mga branded items na ibinebenta ng aktres.

Bukod kasi sa may pagkamahal ang mga ito ay halata raw na luma na, ang ilan ay may sira at may madumi rin daw na ibinibenta si Carla.

Kinuwestiyon tuloy ng ibang netizens ang aktres kung ito nga ba talaga ang nagpo-post at nakit hindi man pang nilinis muna o inayos ang mga ibinibenta bago i-post.

Baka Bet Mo: Carla Abellana nagpaka-‘fangirl’ kay Bea Alonzo: ‘I still can’t believe this!’

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“Miss Carla wala po bang naka advise na ipamigay nyu nlng mga items na ganyan. Ako yung nahiya hahahahaha,” saad ng isang netizen.

Comment pa ng isa, “Seryoso? Bakit parang lupak na ‘yong sa loob ng shoes parang ang dumi-dumi!”

“What’s wrong with Carla. for donations na tong mga benebenta niya. ayaw eh let go nanlillimahid na. [sad emoji] Nakakagulat lang parang ang linis at neat niyang babae, Tapos ganito benebenta niya,” sey pa ng isa.

Hirit naman ng isa, “seryoso ba tong mga posts niya? parang di na okay mga ibang items”

Sa ngayon ay tila naka-off na ang comment section ng Carla Abellana’s closet.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pero makikitang pino-promote ng Kapuso actress sa kanyang Instagram story ang mga naturang pre-loved items.

Samantala, wala pa namang pahayag o reaksyon si Carla hinggil sa mga komento ng netizens sa kanyang mga ibinibenta.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending