Paghihiwalay ng kontrobersyal na showbiz couple may mas malalim pang dahilan Bandera

Paghihiwalay ng kontrobersyal na showbiz couple may mas malalim pang dahilan

Reggee Bonoan |July 16,2021
share this

Paghihiwalay ng kontrobersyal na showbiz couple may mas malalim pang dahilan

Reggee Bonoan - July 16, 2021 - 08:14 PM

Napapangiti na lang ang mga taong nakakaalam kung ano ang tunay na dahilan ng paghihiwalay ng mag-karelasyong aktor at aktres dahil kung sinu-sino na lang ang idinadawit sa isyu.

 

Ang mga taong nadadamay ay napapangiwi at napapakamot ng ulo dahil bakit daw nababanggit ang mga pangalan nila nang wala namang dahilan.

 

Tulad ng mahusay na aktres na ni minsan ay hindi niya naisip na madadawit ang pangalan niya dahil masaya siya sa kanyang partner at buong ningning niyang sinabing, “ano ba, hindi ko siya type kahit pa single ako, ha, haha.”

 

Ang aktor naman na nasama rin ang pangalan na ikinabit sa pangalan ng aktres ay kumunot ang noo at hindi na nagsalita pa.  Gentleman ang binatang aktor kaya mas pinili niyang manahimik pero sa pagkakakilala namin ay hindi niya type at wala siyang record na na-involve sa may asawa o may karelasyon na.

 

Sabi ng kaibigan ng aktor, “hindi naman siya mahilig pumasok sa gulo ng dalawang taong me relasyon, nabalitaan mo na bang na-involve siya?  Wala di ba?  Ayaw niya ng masalimuot na buhay.”

 

Anyway, sitsit ng aming source ay malayo sa mga nababanggit na mga pangalan ang tunay na dahilan ng paghihiwalay nila.  Dapat daw ay mas laliman pa ang pag-iimbestiga kung sino ang dahilan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending