Carla natutulala kapag pinagmamasdan ang dream house: OMG!

Carla natutulala kapag pinagmamasdan ang dream house: OMG! Ito na yun!’

Ervin Santiago |February 29,2024
facebook
share this

Carla natutulala kapag pinagmamasdan ang dream house: OMG! Ito na yun!’

Ervin Santiago - February 29, 2024 - 06:45 AM

Carla natutulala kapag pinagmamasdan ang dream house: OMG! Ito na yun!'

Carla Abellana

SA wakas, nakalipat na rin si Carla Abellana sa ipinatayo niyang dream house na produkto ng kanyang dugo’t pawis sa pagtatrabaho.

Aminado ang Kapuso star na hanggang ngayon, kapag pinagmamasdan niya ang bago niyang house ay napapanganga at natutulala na lamang siya.

Hindi raw siya makapaniwala na kinaya niya ang lahat ng challenges at problema sa pagpapatayo ng kanyang pinangarap na tananan.

“Hindi ko rin alam kung paano nangyari. May times natutulala pa rin ako sa bahay. Iniisip ko, ‘Oh my gosh, ito na ‘yung pinangarap ko!’

Baka Bet Mo: Carla Abellana natawa sa ginawa ng BBM supporters sa tapat ng bahay niya

“‘Ito na ‘yung matagal ko nang in a way, dream or wish, na magkaroon ako ng sarili kong bahay, mapatayo ko siya ‘yung mismong design,’” sabi ni Carla  sa panayam ng “Updated with Nelson Canlas” podcast.

May mga araw daw na basta na lang siya mapapahinti at mapapatanong kung paano niya nakayang tuparin ang matagal na niyang pangarap na magkaroon ng bahay na matatawag niyang kanyang-kanya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Carla Abellana (@carlaangeline)


“‘Paano nangyari? In a way ang bilis ng pangyayari. And I still can’t believe na natapos na siya, nagawa ko na siya, nakatira na ako roon,” sey pa ng Kapuso actress.

Baka Bet Mo: Carla hugot na hugot: Tao rin kami na may emosyon, may mga problema and struggles in life…

Sey pa niya about her dream house, “Bawat tile, bawat patak ng mga luha, dugo’t pawis. It’s more than sulit ang paghihirap.”

Sa ngayon, puro pagpapasalamat na lang sa Diyos ang kanyang ginagawa dahil sa dami ng natatanggap niyang blessings matapos dumanas ng mga pagsubok nitong mga nagdaang taon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Kapag hindi ako makapaniwala, kay God ko na lang sinasabi, ‘Ah, ikaw kasi ito.’ You give Him credit. Hindi ako, kundi talagang si Lord. Thank you talaga Lord na He made it happen,” sey ni Carla.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending