Janice sa love advice: Di ko nga nagawa sa sarili ko mandamay pa

Janice sa love advice: Hindi ko nga nagawa sa sarili ko mandadamay pa ‘ko

Ervin Santiago |February 25,2024
facebook
share this

Janice sa love advice: Hindi ko nga nagawa sa sarili ko mandadamay pa ‘ko

Ervin Santiago - February 25, 2024 - 06:55 AM

Janice sa love advice: Hindi ko nga nagawa sa sarili ko mandadamay pa 'ko

Kaila Estrada at Janice de Belen

KUNG may isang tao na talaga namang proud na proud ngayon kay Kaila Estrada, yan ay walang kundi ang nanay niyang si Janice de Belen.

Nagbunga na kasi ang pagsisipag at pagtitiyaga ni Kaila sa mundo ng showbiz sa loob lamang ng ilang taon.

In fairness, nagsunud-sunod ang mga bonggang projects ng anak nina Janice at John Estrada sa ABS-CBN, kabilang na ang matagumpay at viral series na “Linlang” at “Can’t Buy Me Love.”

Pero ang pinaka-the best na achievement na nakuha ni Kaila sa pagpasok pa lang ng 2024 ay ang pagpirma niya ng network contract sa ABS-CBN.

Baka Bet Mo: Kaila Estrada hindi nape-pressure bilang ‘anak ni Janice’: My mom is a legend, I have a long way to go…

Kaya naman, bilang nanay, hindi ma-explain ni Janice ang nadaramang kaligayahan para sa bagong blessing na  dumating sa career ng kanyang anak.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kaila Estrada (@kailaestrada)


“She’s so happy because she’s doing well, really well she’s overwhelmed and she can’t even believe na it is happening,” ang sabi ni Janice sa interview ng ABS-CBN.

Inamin din ni Janice na hindi niya in-expect na makikilala rin si Kaila bilang isang mahusay na drama actress.

“Nu’ng bata kasi siya Kaila, mas nakitaan ko siyang maging model kasi mahilig siya mag-pose sa mga pictures niya. She became a model rin naman, but really seeing how good she is as an actress I am truly proud,” ani Janice.

Baka Bet Mo: Ako talaga naniniwala sa law of karma! – Dimples Romana

Tungkol naman sa mga ginagampanang roles ni Kaila, partikular na sa “Linlang” at “Can’t Buy Me Love” na parehong nagmarka sa manonood, may reaksyon din diyan si Janice.

“I don’t criticize her. I want her to discover these things on her own. I will compliment her but not criticize,” sey pa ng seasoned actress.

Samantala, natanong din si Janice kung nagbibigay din ba siya ng advice sa anak pagdating sa usaping love at pakikipagrelasyon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Ako magbibigay ng love advice? Hindi ko nga nagawa ng tama sa sarili ko mandadamay pa ako ng iba,” natawang sagot ni Janice.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending