‘Sumpa’ ng ilang fans ni Maine kay Alden wa epek; umariba ang career kahit walang AlDub | Bandera

‘Sumpa’ ng ilang fans ni Maine kay Alden wa epek; umariba ang career kahit walang AlDub

Cristy Fermin |August 30,2019
facebook
share this

‘Sumpa’ ng ilang fans ni Maine kay Alden wa epek; umariba ang career kahit walang AlDub

Cristy Fermin - August 30, 2019 - 12:30 AM

Halos lahat ng mga suwerte sa mundo ay nagsasama-sama para mas pakinangin ang bituin ni Alden Richards. Panahon ngayon ng Pambansang Bae.

Pinatunayan lang ng guwapong aktor na hindi dadamputin sa basurahan ang kanyang career kapag nawala ang loveteam nila ni Maine Mendoza. Ganu’n ang mga nababasa nating komento nu’n ng mga fans ng Dubsmash Queen, kapag humiwalay raw si Alden sa kanilang idolo, siguradong sa kangkungan mauuwi ang career ni Alden Richards.

Napakagandang kangkungan ang kinauwian ng kanyang career nang magtambal sila ni Kathryn Bernardo, siguradong aabutin ng kanilang pelikulang “Hello, Love, Goodbye” ang isang bilyong pisong marka sa takilya, panahon talaga ngayon ni Alden Richards.

Napanood namin ang pelikula nila ni Kathryn at totoong-totoo ang komento ng mga kababayan natin na hindi na basta pakilig lang ang naiaambag ni Alden sa industriya, magaling siyang aktor, bukod pa sa napakasarap niyang tutukan sa malaking screen dahil sa kanyang kakisigan.

May nagiging positibong resulta talaga ang pagsisipag at pagtitiyaga, ang pagiging mapagkumbaba, ang marunong lumingon sa kanyang pinagmulan at marunong magbigay-halaga sa mga taong nakatulong at patuloy pa ring sumusuporta sa kanyang career.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending