Maricel binastos sa Batang Quiapo movie nila ni FPJ

Maricel binastos sa Batang Quiapo movie nila ni FPJ: Deserve ko ba yan?

Ervin Santiago |February 21,2024
facebook
share this

Maricel binastos sa Batang Quiapo movie nila ni FPJ: Deserve ko ba yan?

Ervin Santiago - February 21, 2024 - 09:47 AM

Maricel binastos sa 'Batang Quiapo' movie nila ni FPJ: Deserve ko ba yan?

Maricel Soriano at Fernando Poe, Jr.

FEELING nabastos at nanliit ang Diamond Star na si Maricel Soriano nang gawin niya ang classic movie ni Fernando Poe, Jr. na “Batang Quiapo.”

Ngayon lang naglabas ng sama ng loob ang movie at TV icon tungkol sa naging billing niya sa naturang pelikula na ipinalabas noong 1986.

Sa latest vlog ng veteran showbiz columnist at host na si Aster Amoyo, nabanggit ni Marya na hindi na raw siya tumitingin sa billing ng kanyang mga pelikula at teleserye dahil sa pambabastos sa kanya sa “Batang Quiapo.”

Baka Bet Mo: Maricel Soriano nagagalit sa mga anak kapag hindi nagpapaalam bago umalis: Hindi ninyo puwedeng gawin sa akin ‘yang mga mille-millennial kayo, no!

“Dahil ang billing ko nu’ng ginawa ko ang ‘Batang Quiapo’, Fernando Poe Jr., Maricel Soriano. Do I deserve it? Bakit nila ako ginanu’n?” sentimyento ni Maricel.

“Ganito kaliit ang pangalan ko. Sabi ko, deserve ko ba ‘yan? Whether I’m nice or not? Sabi ko na lang sa sarili ko, kaya ka Maricel Soriano dahil kinaya mo lahat ‘to” himutok pa ng premyadong actress.

Hindi raw siya nagreklamo hinggil dito pero talagang inatake siya ng depresyon nang mangyari ito.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by B617 Artists Management (@b617management)


“O sige Lord, papalagpasin ko ‘to para sa Iyo, so hindi na ako nagsalita. Na-depress ako doon, kung buhay ang daddy ko (Comedy King Dolphy) ipapakita ko ‘to sa daddy ko dati, deserve ko ba ‘to?!

Baka Bet Mo: Lovi inialay kay FPJ ang paglipat sa ABS-CBN: It makes me feel close to my father

“Kahit kasi sabihin mo, ‘Ang tapang kasi ng babaeng yan,’ ‘Ang taray kasi ng babaeng yan,’” mariin pang sabi ng veteran actress.

“Huwag mo isasama dito ‘yung trabaho ko. ‘Yung body of works na nagawa ko. Huwag naman ako bastusin masyado na ganu’n komo mabait ba ako o impakta ba ako.

“Sana hindi nila ako ginanu’n. Pero ako nilampasan ko na lang ‘yon, tapos na ‘yon,” ang tumatagos sa pusong pag-alala ni Marya sa “billing” issue.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang “Batang Quiapo” ay mula sa direksyon ni Pablo Santiago under Regal Films. Umeere naman ngayon ang TV remake nito sa ABS-CBN na pinagbibidahan ni Coco Martin.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending