Kylie ibinandera ang pa-‘I love you’ ng special someone

Kylie ibinandera ang pa-‘I love you’ ng special someone, ‘squirtle’ ang tawagan?

Pauline del Rosario |February 16,2024
facebook
share this

Kylie ibinandera ang pa-‘I love you’ ng special someone, ‘squirtle’ ang tawagan?

Pauline del Rosario - February 16, 2024 - 11:12 AM

Kylie ibinandera ang pa-‘I love you’ ng special someone, 'squirtle' ang tawagan?

PHOTO: Instagram/@kylienicolepadilla

NAKAKAKILIG naman ang naging sorpresa ng special someone ng aktres na si Kylie Padilla!

Sa Instagram, ibinandera ni Kylie ang mga natanggap niyang regalo nitong Valentine’s Day.

Nabunyag pa nga sa post kung ano ang tawagan nila sa isa’t-isa.

Makikita sa pictures ang mga rosas at cake na may nakasulat pang “I…LOVE YOU SQUIRTLE.”

Hanggang ngayon ay hindi pa niri-reveal ng aktres ang nagpapatibok ng kanyang puso, pero ang caption niya sa nasabing post, “Who likes pokemon? [emojis]”

Baka Bet Mo: True ba, Aljur itinigil na raw ang sustento sa mga anak nila ni Kylie?

 

View this post on Instagram

 

A post shared by k y l i e ☽◯☾ (@kylienicolepadilla)

Sa comment section, marami ang kinilig at na-curios kung sino ang boyfriend ngayon ni Kylie.

Narito ang ilan sa mga nabasa namin:

“MAY PAGANON HAHAHAHHAA happy valentines dayyy”

“Yiiee, deserve sumaya ng aming reyna amihan [white heart emoji].”

“Oohhh Someone effin caught Squirtle! [pink heart emoji] Hmm, I wonder why Squirtle and not Snorlax? [emojis]”

“Happy Valentines deserve mong sumaya love you always [white heart, blowing kiss emojis].”

Baka Bet Mo: Kylie Padilla sinupalpal ang nagmamarunong na netizen na nagtama sa kanyang grammar: ‘Oh sorry, I grew up in Australia’

Noong nakaraang buwan lamang nang sinagot ni Kylie kung sino ‘yung nag-viral na “mystery guy” na nakasama niya sa isang mall.

Ayon sa kanya, ito ‘yung taong nagpapasaya ng kanyang puso ngayon.

Ang kanyang pag-amin ay nangyari sa TikTok post ng celebrity fitness coach na si Francis Simon.

Hindi na idinetalye ni Kylie ang identity ng kanyang special someone, pero marami ang naniniwala na ang nakasama niya sa mall ay ang tattoo artist na si Jinno John Simon, na kapatid ni Francis.

Kung maaalala, Enero ng nakaraang taon nang unang umugong ang chika na may bago nang karelasyon ang aktres nang magbahagi ito ng mga larawan na may kasamang guy habang nagbabakasyon sa Thailand.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang huling public relationship ni Kylie ay ang dating mister na si Aljur Abrenica na ngayon ay currently in a relationship with AJ Raval.

Ang dating mag-asawa ay mayroong dalawang anak na sina Alas at Axl.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending