Aljur itinigil na raw ang sustento sa mga anak nila ni Kylie?

True ba, Aljur itinigil na raw ang sustento sa mga anak nila ni Kylie?

Ervin Santiago |February 01,2024
facebook
share this

True ba, Aljur itinigil na raw ang sustento sa mga anak nila ni Kylie?

Ervin Santiago - February 01, 2024 - 12:30 AM

True ba, Aljur itinigil na raw ang sustento sa mga anak nila ni Kylie?

Aljur Abrenica at Kylie Padilla

FAKE NEWS ang mga kumakalat na chika sa social media na binanatan daw ni Kylie Padilla ang kanyang estranged husband na si Aljur Abrenica.

May mga nabasa kaming post sa Facebook na naglalaman ng balita na nagsalita raw si Kylie na may anak daw sila ni Aljur na hindi sinusustentuhan ng hunk actor.

Pinalalabas sa mga nasabing post na pinababayaan umano ni Aljur ang mga anak nila ni Kylie habang nagpapakaligaya raw sa dyowa nitong si AJ Raval.

Napag-usapan ang isyung ito sa isang episode ng “Cristy Ferminute” kung saan nag-react nga ang host nitong si Nanay Cristy Fermin.

Baka Bet Mo: Aljur matapos ang ‘breaking silence’ post: I can still say na she was the love of my life

Aniya, may nagpakalat nga raw ng kuwento na sinabi umano ni Kylie na may mga anak daw na hindi sinusustentuhan si Aljur at kung ano raw ang ikinalaki ng katawan nito ay kabaligtaran naman daw ng sukat ng utak nito.

“Unang-una po, hindi niya iba-bad mouth ng ganyan ang ama ng kaniyang mga anak kaya siya ay umalma talaga. ‘Ano ba naman? Hindi na nga naman ako kumikibo,’ sabi niya,” pagtatanggol ni Nanay Cristy kina Kylie at Aljur.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by k y l i e ☽◯☾ (@kylienicolepadilla)


“E, alam n’yo naman po ang dami-dami talagang mga poser ngayon, ‘di ba? Ang daming mga fake news na naglalabasan.

“Iko-quote sila tapos hindi naman totoo. Mga video nga na kinalkal pa noong araw palalabasin na napapanahon,” sey ng batikang showbiz columnist at TV host.

Baka Bet Mo: Aljur nakipag-bonding sa mga anak: My heart is full

Lahad pa ni Nanay Cristy, “Nag-usap naman sila at nagbibigay naman ‘ata ng sustento itong si Aljur di ba? Co-parenting naman sila.

“E, bakit niya pa sasabihin na, ‘Naku, kung alam n’yo lang.’ Saka double-bladed ‘yon, ha. ‘Kung alam n’yo lang na kung gaano ang laki ng kaniyang katawan ay ‘yon naman ang ang liit ng kaniyang…’ O, di ba?” sey pa ng TV-radio host at content creator.

Depensa pa ni Nanay Cristy, mukhang imposible raw itong sabihin ni Kylie dahil wala raw sa personalidad ng anak ni Sen. Robin Padilla ang magsasalita ng ganoon sa ama ng kanyang mga anak.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bukod dito, mukhang maligaya na rin daw ngayon si Kylie sa bago nitong karelasyon at sa pagkakaalam natin maayos ang usapan ng dating mag-asawa tungkol sa kanilang mga anak.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending