Aljur nakipag-bonding sa mga anak: My heart is full | Bandera

Aljur nakipag-bonding sa mga anak: My heart is full

Therese Arceo |November 06,2021
facebook
share this

Aljur nakipag-bonding sa mga anak: My heart is full

Therese Arceo - November 06, 2021 - 11:04 AM

Aljur nakipag-bonding sa mga anak: My heart is full

MASAYANG nakipag-bonding ang aktor na si Aljur Abrenica sa kanyang dalawang anak na sina Alas at Axl.

Sa kanyang Facebook account ay ibinahagi ni Aljur ang ilan sa mga larawan ng mga anak na kuha niya habang sila ay magkakasama.

“My heart is full. Priceless and precious moments with my two Kiddos,” saad ni Aljur.

In-upload rin niya ang larawan nila ni Alas at sinabing “kulitan with my panganay loveyou”.

May video ring ibinahagi si Aljur kung saan makikita ang kanilang bunso ni Kylie Padilla.

“Goodnight,” caption nito.

May mga videos rin na in-upload si Aljur sa kanyang Instagram stories ng mga anak na masayang naglalaro sa kanilang lugar.

Kitang-kita ang saya ni Aljur na muli silang nagkaroon ng bonding ng mga anak.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Aljur Abrenica (@ajabrenica)

Hindi naging madali ang mga nagdaang araw para kina Aljur at Kylie matapos silang mag-viral at maging isa sa mga maiinit na topic ng madlang pipol matapos ang mga kontrobersyal na pahayag ni Aljur laban sa dating asawa si Kylie.

Sa huli ay dinelete na rin ito ng aktor at nagdesisyon na rin ang dating mag-asawa na manahimik na lang at huwag nang dalhin pa sa social media ang parinigan para na rin sa ikabubuti ng kanilang mga anak na sina Alas at Axl.

Marami naman sa mga netizens ang natuwa sa muling pagkikita at pagba-bonding ng mag-aama.

May mga netizens rin na patuloy na nagdarasal at umaasa na sana ay dumating ang panahon na magkaayos na sina Aljur at Kylie.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“When u are a parent already, ur children were the best blessings ever received. We often set aside our own happiness just to make them happy and contented…and the best gift we can give them is a complete family! Hope u and Kylie reconsider that…we are praying for both of u to reconcile! Godbless,” comment ng netizen.

“We’re hoping for the best for your family,” saad naman ng isa pa.

Related Chika:
Aljur matapos ang ‘breaking silence’ post: I can still say na she was the love of my life

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending