Lolit Solis grateful kay Boy Abunda: I owe you one

Lolit Solis grateful kay Boy Abunda: I owe you one

Therese Arceo |February 15,2024
facebook
share this

Lolit Solis grateful kay Boy Abunda: I owe you one

Therese Arceo - February 15, 2024 - 05:50 PM

Lolit Solis grateful kay Boy Abunda: I owe you one
AMINADO ang talent manager at showbiz columnist na si Lolit Solis na malaki ang utang na loob niya sa King of Talk na si Boy Abunda.

Sa isa sa kanyang Instagram post ay ibinandera niya kung gaano ka-grabe maging kaibigan ang talk show host.

“Salve siguro naging isa ka rin sa mga love ni Boy Abunda. Grabe talaga maging FRIEND si Boy Abunda dahil hindi talaga natatapos ang friendship ninyo kahit na tapos na ang trabaho ninyong dalawa,” pagbabahagi ni Lolit.

Aniya, matapos ang kanilang pagsasama sa “Startalk” ay inakala niyang matatapos na ang kanilang ugnayan dahil hindi na sila nagkikita o nagkakausap.

“Pero hindi, birthday, Pasko, o anuman okasyon, sigurado may darating na regalo mula kay Boy Abunda para sa iyo. Lalo na [nang] marinig niya na nagkasakit ako, talagang nag check siya sa kalagayan ko,” kuwento ni Lolit.

Kaya naman sobrang grateful ang talent manager sa Kapuso host.

Baka Bet Mo: Hindi kasalanan ni Bea kung ‘di nagtatagal ang mga relasyon niya — Lolit Solis

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“Friendship is a lifetime commitment, at parang ito ang mantra ni Boy Abunda sa buhay. Talagang inaalagaan niya mga friends niya at hindi pinababayaan,” pagbabahagi ni Lolit.

“I will forever be grateful and thankful sa pagmamahal ni Boy Abunda,” dagdag pa niya.

Dalangin nga ni Lolit na magaya niya ang paraan ng pagpapahalaga at pag-aalaga ni Boy sa kanyang mga kaibigan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Wishing and hoping I can also do the same for all my friends dahil parang ang hirap pantayan ang ginagawang pag aalaga ni Boy Abunda sa mga kaibigan niya.

“Thank you so much, Boy Abunda, I owe you one. Sana mabayaran ko ang sweetness at kindness mo,” sey pa ni Lolit.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending