Lolit Solis: Walang pwedeng umagaw sa trono ni Christopher bilang Drama King
NAG-REACT na ang veteran entertainment columnist na si Nanay Lolit Solis tungkol sa pang-iisnab ng Manila International Film Festival (MIFF) kay Christopher de Leon.
Binebengga ngayon ng mga taga-showbiz ang ginawang pag-etsapwera ng mga hurado ng MIFF kay Boyet sa mga Best Actor nominees.
Inirereklamo ng mga tagasuporta ng beteranong aktor at movie icon sa mga organizers ng kauna-unahang MIFF na ginanap sa Los Angeles, California kung bakit hindi man lang na-nominate si Christopher para sa pelikulang “When I Met You In Tokyo.”
Nagwagi bilang Best Actor sa ginanap na awards night sa Amerika sina Piolo Pascual para sa “Mallari” at Dingdong Dantes for the movie “Rewind.”
Baka Bet Mo: Ano nga ba ang matagal nang ‘bubog’ ni Christopher Roxas kay Ogie Diaz?
Si Vilma Santos naman ang itinanghal na Best Actress para sa entry nila ni Boyet na “When I Met You In Tokyo.”
View this post on Instagram
Ayon kay Nanay Lolit, kung kilalang-kilala nga niya si Boyet, siguradong natatawa lang ito sa pang-iisnab sa kanya ng MIFF dahil feeling secured na ito sa kanyang estado sa showbiz industry.
Sa kanyang Instagram page, nag-post ang talent manager ng kanyang reaksyon about this issue.
“Talagang naging issue ang Best Actor category ng MIFF ha. Talagang ang harsh ng reaction ni Redgie Magno na hindi man lang nominated sa Best Actor si Christopher de Leon.
“Sure ako si Christopher mismo tinatawanan ang issue pero talagang mismong mga supporters niya ang hindi ito matanggap,” pagsisimula ni Nanay Lolit.
Aniya pa, “Ok naman sila Piolo Pascual at Dingdong Dantes na manalo, pero iyon hindi man lang nasali ang pangalan ni Christopher de Leon sa mga nominated man lang, ito talaga ang ikinagulat ng lahat.
Baka Bet Mo: Produ ng ‘Mallari’ balak gawan ng movie si Liza; Mentorque hataw ngayong 2024
“Marami ang talagang humanga sa very casual na atake niya sa role niya sa pelikula nila ni Vilma Santos na win as Best Actress, pero parang hindi ito nakita ng mga jurors,” dugtong ng beteranang manunulat.
“Well, lagi naman may controversy sa awards night kaya ituring na lang na isa ito sa mga issue na lumutang.
“Basta wala ng puwede pang umagaw sa trono ng King of Drama kay Christopher de Leon, tatak na niya iyon forever.
View this post on Instagram
“Kahit sino pa manalo, pag andiyan si Christopher tiyak na laging magkakaruon ng shadow of doubt kaya you will just take it with a grain of salts. Bongga di bah!” ang kabuuang caption ni Nanay Lolit sa kanyang IG post.
Halos lahat ng um-attend sa awards night ng MIFF na ginanap last Friday, February 2 sa Directors Guild of America (DGA), Los Angeles, California ay takang-taka kung bakit hindi napasama sa mga nominado si Christopher.
Kaya naman pinagpapaliwanag ng ilang taga-showbiz industry ang mga hurado sa kauna-unahang MIFF na kinabibilangan nina Marie Jamora, Mari Acevedo, Leah Anova, Reggie Lee, David Maquiling at Sumalee Montano.
Sa kanyang Facebook page, ramdam na ramdam ang pagkadismaya ng line producer ng “When I Met You In Tokyo” na si Redgie Magno. Narito ang kabuuan ng kanyang open letter sa FB.
“First of All, congratulations to all the winners at the MIFF most especially to our very own , Miss Vilma Santos for winning the BEST ACTRESS award.
“There is just something that I want to ask the organizers of MIFF….this is also the same question asked by all who watched the movie When I Met You In Tokyo because Christopher De Leon was very good in the movie.
“So the question is WHY was Mr. CHRISTOPHER DE LEON NOT EVEN NOMINATED? He may not be your choice as Best Actor , we respect that..and your choices Dingdong D and Piolo P are both good actors as well and deserving,” aniya pa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.