Lolit Solis binalaan si Kyline, kinampihan si Paolo

Lolit Solis binalaan si Kyline, kinampihan si Paolo: Mag-ingat ka, hindi kita uurungan

Ervin Santiago |January 28,2024
facebook
share this

Lolit Solis binalaan si Kyline, kinampihan si Paolo: Mag-ingat ka, hindi kita uurungan

Ervin Santiago - January 28, 2024 - 12:25 PM

Lolit Solis binalaan si Kyline, kinampihan si Paolo: Mag-ingat ka, hindi kita uurungan

BEAST mode ang talent manager at veteran showbiz columnist na si Lolit Solis dahil sa mga naririnig na bagong isyu tungkol kay Paolo Contis.

Binalaan ni Nanay Lolit ang Kapuso actress na si Kyline Alcantara matapos makarating sa kanya na nadadamay ang alaga niyang si Paolo sa hiwalayan ng dalaga at ni Mavy Legaspi.

May kumakalat kasing chika na “bad influence” daw si Paolo kaya nakipaghiwalay si Kyline kay Mavy. Magkasama sa noontime show na “Tahanang Pinakamasaya” ng GMA sina Paolo at Kyline.

Idinaan ni Nanay Lolit sa kanyang Instagram account ang sama ng loob at special mention nga si Kyline dito kasabay ng pagsasabing walang kinalaman si Paolo sa break-up nina Kyline at Mavy.

Nag-post ang talent manager ng litrato ni Paolo na may mahabang caption, “Salve uminit ulo ko ng marinig iyon tsismis na isinasali ang pangalan ni Paolo Contis sa break up nila Mavy at Kyline.

Baka Bet Mo: Kyline may 3 espesyal na katangian na bet na bet ni Mavy; Mikael, Megan may ipakikilalang beauty queen sa ‘The Best Ka’

“Dahil daw sa bad influence ni Paolo kaya nakipag break up si Kyline kay Mavy. Wow ha, talagang dapat masali ang ibang tao pag nagbi break kayo?

“I have zero respect for people na nagba bad mouth sa mga naka relasyon nila after a break up. Dapat pag hiwalay kayo, no bad blood. Tanggapin mo at mag move on ka,” ang matapang na pahayag ni Nanay Lolit.

Patuloy pa niya, “Lagi ko ina appreciate na after a long time ng manager/ talent relationship namin ni Gabby Concepcion wala kang narinig na sinabi niyang masama o pintas sa akin.

“In the same way na hindi rin ako nagsalita ng bad things about Gabby. Na maintain namin iyon respeto namin sa bawat isa.

“For that I am very grateful. Kaya shock ako na sa break up nila Kyline at Mavy may mga kadamay na pangalan na binabanggit,” dagdag pa niya.

Kasunod nito, winarningan nga ng palaban at beteranang entertainment columnist si Kyline.

“I don’t want to have a fight with Kyline, but I am giving her a warning na kung tutoo ang mga narinig ko na sinasabi niya about Paolo Contis she will never hear the end of it from me.

“Kung mali ang alaga ko tinatanggap ko at pinangangaralan sila, pero pag siniraan mo sila ng walang basehan, mag ingat ka dahil hindi kita uurungan.

“So be careful Kyline Alcantara, huwag mo idamay si Paolo Contis sa mga hanash mo kay Mavy Legazpi. Kung may problema kayo, i settle nyong dalawa at huwag magdamay ng ibang tao.

“Or else, I will do my part as Paolo Contis manager/ nanay para ipagtanggol siya sa mga maling bintang sa kanya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Maging fair tayo sa mga bagay na dapat mangyari. Walang siraan sa mga taong inosente. Salve at Gorgy, iyan ang stand ko, bongga di bah?” ang sey pa ni Nanay Lolit.

Bukas ang BANDERA sa magiging pahayag nina Kyline at Paolo hinggil sa isyung ito.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending