Christopher de Leon, Ruru Madrid ilang beses nagkasakitan sa taping ng ‘Lolong’, fight scenes totohanan na
NAPAKARAMING babauning memories ng Kapuso heartthrob na si Ruru Madrid sa nalalapit na season finale ng hit primetime series na “Lolong”.
Ayon sa tinaguriang Kapuso Action-Drama Prince habangbuhay niyang isasapuso ang mga life lessons na natutunan niya mula sa lahat ng nakatrabaho niya sa serye, lalo na ang mga aral na ibinahagi sa kanya ng mga veteran stars.
Abot-langit ang pasasalamat ng binata sa buong production dahil sa tagumpay na tinatamasa ng kanilang programa na itinanghal pang most-watched television program ng 2022.
Isa sa mga hinding-hindi malilimutan ni Ruru habang ginagawa nila ang “Lolong” ay paggabay ng kanyang mga co-stars, lalung-lalo na ni Christopher de Leon.
“Every time na mayroon kaming eksena together, lagi siyang mayroong sasabihin sa akin. ‘Ru, dapat ganito. Ru, baka dapat ganito mo gawin ‘to. Ru, kapag magpe-prepare ka, dapat ganito.’ So ang dami niyang itinuturo,” pahayag ng aktor sa panayam ng “24 Oras.”
Aniya pa, “Minsan kapag magkasama kami sa loob ng stand-by area, ikikuwento niya sa akin ‘yung mga pinagdaanan niya, mga projects na ginawa niya.”
Inamin din ng hunk actor na may mga pagkakataon na nagiging totohanan na ang mga fight scenes nila sa serye, “Many times na nagkakasakitan kami sa mga maaaksyong eksena.
View this post on Instagram
“Kami ni Sir Bo (Christopher) may mga fight scenes kami na minsan talagang nagkakatotohanan. Kami ni Vin, nu’ng pumasok si Vin Abrenica dito sa ‘Lolong,’ talagang magkakatamaan.
“Pero, I guess, that’s the good thing kapag professional ‘yung mga katrabaho mo, e. Alam nila na trabaho lang ‘to, and, of course, gusto namin na makapagbigay ng magandang eksena,” paliwanag ni Ruru.
Samantala, bukod sa mga pasabog at maaaksyong eksena, kailangang abangan din ng viewers ang huling linggo ng “Lolong” dahil sa love story nina Lolong at Elsie (Shaira Diaz).
“Mas lumalalim na ngayon, e. Kumbaga, napapakita na kung gaano kaimportante si Elsie at Lolong sa isa’t isa,” kuwento ni Ruru.
Mapapanood ang season finale ng “Lolong” simula ngayong Lunes, September 26, sa GMA Telebabad pagkatapos ng “24 Oras.”
https://bandera.inquirer.net/316466/ruru-madrid-emosyonal-sa-presscon-ng-lolong-muntik-nang-sumuko-napilay-ako-napako-lahat-po-pinagdaanan-namin-dito
https://bandera.inquirer.net/306139/ruru-madrid-hindi-nagpa-double-sa-lolong-lahat-ng-buwis-buhay-stunts-ako-ang-gumawa
https://bandera.inquirer.net/323734/ruru-madrid-binansagang-trending-king-hataw-na-sa-lolong-nagba-viral-pa-sa-running-man-ph
https://bandera.inquirer.net/324536/ruru-madrid-binabagyo-ng-blessings-bongga-na-ang-career-swerte-pa-sa-lovelife
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.