Bianca dakilang life coach ni Robi: Hindi lang kami magkatrabaho

Bianca dakilang life coach ni Robi: Hindi lang kami basta magkatrabaho

Ervin Santiago |February 14,2024
facebook
share this

Bianca dakilang life coach ni Robi: Hindi lang kami basta magkatrabaho

Ervin Santiago - February 14, 2024 - 07:00 AM

Bianca life coach ni Robi: Hindi lang kami basta magkatrabaho

Robi Domingo at Bianca Gonzalez

SUPER excited na ang Kapamilya TV host na si Robi Domingo na makatrabaho uli ang kanyang “Ate B” na si Bianca Gonzalez.

Muling magsasama ang dalawa bilang host sa pagbabalik ng “The Voice Teens” season 3 ng ABS-CBN.

“Sinabi ko naman, even before, na I’m really glad na I’m working with my coach, not just for work pero for life as well,” chika ni Robi about Bianca.

Ayon sa TV host, hindi lang sa trabaho siya gina-guide ni Bianca kundi pati na rin sa kanyang personal life, lalo na ngayong meron na siyang asawa.

Baka Bet Mo: Pinay teen nilait-lait dahil sa kanyang first ‘luxury bag’: An 80$ bag may not be a luxury but for me and my family it is a lot

“I’m just really thankful, and I wanna take this opportunity na magpasalamat. She has been a coach for life in my life,” sey ni Robi sa ulat ng ABS-CBN.

Una silang nagkasama as main hosts ng “The Voice Kids Season 5” noong 2023.

Sabi naman ni Bianca, “Ang tagal na naming magkatrabaho. More than 10 years magkasama kami sa PBB and technically ako nga yung ate doon so bilang ako yung nauna feeling ko parang little brothers and little sisters ko.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bianca Gonzalez Intal (@iamsuperbianca)


“Nakakatuwa kasi all our lives ganoon yung dynamic namin kasi parang ako yung ate, siya magtatanong sa akin pero kaya ako tuwang-tuwa noong nakuha ko yung hosting role dito sa The Voice kasi sa kanya naman ako tumitingin for tips para dito sa show,” sey pa ng TV host.

“This is my 10th for The Voice at ang sarap makita palagi yung stage, yung sets and also the chairs.

“When you see those red chairs with the buttons, alam mong we are all in for a big surprise lalo na kung sino mang artists ang tutungtong sa stage na yun,” dagdag pa niya.

Baka Bet Mo: Kasal nina Robi Domingo, Maiqui Pineda itutuloy: ‘Iniisip ko ‘yung health niya, pero…’

“Sa totoo lang parang natututo pa rin ako every day on set, parang ano bang pwedeng gawin dito, paano ba dapat magreact especially yung walang coach na umiikot. Sobra kong na-enjoy yung buong proseso,” sabi pa.

Nasaksihan ni Bianca kung gaano ka-dedicated ang mga teen contestants ngayon ng “The Voice”.

“Ngayon, alam na ng mga teens kasi lahat ng piyesa, one after the other, mix. May ballad, may mas rock, may mas simple lang. Kumbaga lumalawak na’ yung taste din sa music hindi lang ng teens pati ‘yung sa manonood,” sey niya.

Dagdag ni Robi, “Yung in-invite naming mga teen artists for this season, variety. We got yung mga biritera, ‘yung mga jazz, ‘yung mga smooth.

“Iba’t ibang klase and kaakibat noon, iba’t iba rin ‘yung mga background and stories nila na dapat abangan ng mga Kapamilya,” sey pa ng TV host.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Mapapanood na ang “The Voice Teens”  sa Kapamilya network sa darating na February 17.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending