Robi Domingo chinika kung bakit kinuhang ninong si Piolo sa kasal

Robi Domingo chinika kung bakit kinuhang ninong si Piolo sa kasal

Therese Arceo |February 02,2024
facebook
share this

Robi Domingo chinika kung bakit kinuhang ninong si Piolo sa kasal

Therese Arceo - February 02, 2024 - 01:52 PM

Robi Domingo chinika kung bakit kinuhang ninong si Piolo sa kasal

IKINUWENTO ng Kapamilya TV host na si Robi Domingo kasama ang asawa nitong si Maiqui Pineda ang dahilan kung bakit kinuha nilang ninong sa kasal si Piolo Pascual.

Sa kanilang panayam kay Karen Davila na mapapanood sa vlog ng huli, napagkuwentuhan nila kung paano nagsimula ang kanilang love story.

Ayon kay Robi, si Piolo ang naging daan sa kanilang relasyon ni Maiqui.

“2017 single ako buong taon and every single year, nakikita ko silang magkapatid sa Christmas special. And then 2017 nakita ko mag-isa lang siya. Una kong tanong sa kanya is ‘Where is your other half?’ Kasi may identical twin siya,” pagbabahagi ng “Pinoy Big Brother” host.

Chika ni Robi, wala naman daw talaga siyang intensyon na manligaw at gusto niya lang ma-enjoy ang kanyang single life.

Bukod rito, gusto rin niyang ma-enjoy ni Maiqui ang kanyang single life tulad niya at inaya ito na magpunta sa isang bar malapit sa Ateneo na kanilang pinag-aralan.

Baka Bet Mo: Robi Domingo pinabulaanan ang pag-unfollow kina Daniel Padilla, Andrea Brillantes

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“Sabi ko, ‘Let’s exchange numbers. May kinuha akong bar malapit sa Ateneo maybe you can drop by let’s just have fun bilang friends.’ ‘Yung usap namin tumagal from on o’clock hanggang 4 or 5 a.m. At ‘yun ang Christmas special na lahat ng artista pagod,” pagbabalik tanaw ni Robi.

Bago pa sila magkita sa Christmas specials ng ABS-CBN ay magka-batch na sila sa Ateneo de Manila University.

At ang dahilan raw ng pag-akyat ni Robi noong panahon na ‘yun kung saan mas nagkakilala sila ni Maiqui ay si Piolo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“May isang tao roon na pinorce (forced) ako na umakyat, ayaw ko na umakyat talaga. I think kilala niyo siya itago na lang natin sa pangalang Piolo Pascual. Tinawagan ako, ‘Nasaan ka?’ Sabi ko, ‘Papa P, ayaw ko na umakyat kasi pagod na ako, wala na namang pupunta diyan ngayon.’ Sabi niya, ‘Umakyat ka para sa mga boss, magpasalamat sa trabahong ibinigay nila para sa iyo ngayong taon.’

“Pagdating ko roon nandoon siya (si Maiqui). Kaya Piolo Pascual is instrumental sa relationship namin kaya ginawa namin siyang ninong,” lahad ni Robi.

Dagdag ni Maiqui, “Ninong Piolo na siya.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending