Kim tinukso ni Vice sa lovelife: Tama na! Hirap na hirap na 'ko!

Kim tinuksu-tukso ni Vice sa lovelife: Tama na! Hirap na hirap na ‘ko!

Ervin Santiago |February 13,2024
facebook
share this

Kim tinuksu-tukso ni Vice sa lovelife: Tama na! Hirap na hirap na ‘ko!

Ervin Santiago - February 13, 2024 - 06:05 AM

Kim tinuksu-tukso ni Vice sa lovelife: Tama na! Hirap na hirap na 'ko!

Xian Lim at Kim Chiu

NAGING sentro ng tuksuhan ang Kapamilya actress at TV host na si Kim Chiu sa isang episode ng “It’s Showtime” sa ABS-CBN.

Napag-usapan kasi ang pagiging single ng dalaga sa segment na “Expecially For You” ng noontime show last Friday, February 9.

Isang searchee kasi ang pinapayuhan ni Vice Ganda tungkol sa kanyang lovelife at sinabihang ipagdasal kung talagang gustung-gusto na nitong makahanap ng bagong dyowa.

Ang advice naman ng isa pang host ng show na si Amy Perez, na ilista ang mga qualities na hinahanap sa isang lalaki at ipagdasal ito sa Panginoon Diyos.

Baka Bet Mo: Kylie Padilla priority muna ang sarili bago magdyowa uli: Ako naman muna

“Huwag mahihiya humingi ng kahit ano kay Lord,” ang hirit pa ni Vice.

Kasunod nito, binalingan ng isa pang host ng “Showtime” na si Vhong Navarro si Kim na astang aalis ng stage at nag-dialogue ng, “Kim saan ka pupunta?”

“Pray lang ako!” sagot naman ng dalaga na siyang pinagsimulan ng tuksuhan.

“Pray tayo with Kim!” sabi naman ni Vice.

Umasta uling aalis si Kim sa stage pero hinabol siya ng kanyang mga co-host sabay itinaas ang mga kamay para ipag-pray over si Kim.

Kinantahan pa siya ni Vice ng “Ang buhay ng isang single ay masayang tunay! Uy, pero serious yun, ha? May the Lord give what your heart desires.”

Sagot naman ni Kim na halatang nahihiya na sa takbo ng tuksuhan, “Salamat. Ang layo ng narating! Pero salamat.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kim Chiu 🌸 (@chinitaprincess)


Sey naman ni Vhong sa kanya, “Nandito lang kami.” Na sinagot ng aktres ng, “In time” na ang tinutukoy ay ang kanyang lovelife.

Baka Bet Mo: Jane single na single pa rin: Naku, wala na po akong time sa lovelife, wala na nga rin po akong oras sa mga pusa ko, eh!

Dito na kinausap ni Kim ang searchee at sinabihan ng, “Nicole, alis ka nga diyan” na ikinahagalpak talaga ni Vice. Willing daw kasi si Kim na maging searchee sa nasabing segment ng “It’s Showtime”.

Sa mga hindi pa masyadong aware, sa  “EXpecially For You”, maghaharap ang ex-couple para ibandera sa madlang pipol ang mga dahilan ng kanilang breakup. Pagkatapos ay sasalang sa “dating search” ang isa sa kanila.

Kaya naman ang hamon ni Vice kay Kim, “Gusto mo ba talaga?! Parang gustong sumalang madlang pipol!

“Abangan natin sa mga susunod na linggo kung sinong espesyal na tao ang uupo dito. Nag-volunteer, e!” sey ni Vice Ganda.

Alam naman ng lahat na hiwalay na si  Kim sa dati nitong boyfriend na si Xian Lim. Tumagal ang ralasyon nila ng mahigit 12 years.

At dahil nga nasa GMA 7 si Xian, sinabi ni Vice na ang ABS-CBN Production at Star Magic head na lang na si Laurenti Dyogi ang maghahanap ng match para kay Kim.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Birong hirit naman ni Kim kay Vice, “Tama na. Hirap na hirap na ako!”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending