Valentine2024: 8 magdyowa na nabigyan ng second chance

Valentine2024: 8 magdyowa na nabigyan ng second chance, true love yarn!

Ervin Santiago |February 12,2024
facebook
share this

Valentine2024: 8 magdyowa na nabigyan ng second chance, true love yarn!

Ervin Santiago - February 12, 2024 - 01:11 PM

Valentine2024: 8 magdyowa na nabigyan ng second chance, true love yarn!

Maja Salvador, Rambo Nunez, Vicki Belo, Hayden Kho, Jennylyn Mercado at Dennis Trillo

NANINIWALA ka pa ba sa second chances? Patatawarin mo ba ang dyowa mo kung niloko ka na at naghanap ng kaligayahan sa iba?

Marami kaming friends na naninindigang hindi na dapat pagkatiwalaan ang mga taong nagtaksil dahil siguradong uulit-ulitin pa rin nila ang nagawang pagkakamali at kasalanan.

Pero may mga tao rin namang handang magpatawad at magbigay ng ikalawang pagkakataon sa mga karelasyon nilang hindi nakuntento at nagloko.

Baka Bet Mo: Bea binalak tumigil sa pag-aartista para tumira sa Canada, naloka sa ‘toxic’ ng showbiz: ‘Parang hindi ko kayang lunukin’

Ngayong Valentine season o love month, balikan natin ang ilang celebrity couples na naghiwalay at bumitiw na sa isa’t isa pero mas pinili pa ring kumapit sa second chance ng pag-ibig.

Maja Salvador at Rambo Nunez

MAJA SALVADOR & RAMBO NUÑEZ

NAGING magkarelasyon na noon sina Maja at Rambo pero naghiwalay din at makalipas ang siyam na taon ay muli silang nagkita and as they always say, the rest is history.

Sey ni Maja, wala naman daw matinding dahilan ang break-up nila noon, “‘Yung dati naman kasi namin, ano yun e, ‘career or love life? Siyempre, bata pa kami, ‘di ba? So parang hindi nabigyan ng todong chance before, so ito na nga siguro ‘yung second chance namin.”

“Sobrang suwerte ko lang din na ang bait ng family niya, na wine-welcome nila ako ng parang kapamilya. Actually parang anak ang turing sa akin e, yun yung masarap sa pakiramdam,” aniya pa.

Dati, ang laging sinasabi ni Maja ay hindi niya ugaling makipagbalikan sa kanyang ex, “Pero minsan you break your own rules, and I think it’s worth it. Sabi ko nga, ang gaan, sobrang kabaligtaran ng dati.”

Jason Francisco at Melai Cantiveros

MELAI CANTIVEROS & JASON FRANCISCO 

Talagang bumitaw na sa isa’t isa ang mag-asawa noong 2016 makalipas ang taong pagsasama dahil hindi na raw sila nagkakasundo at marami na ring issue.

“Eto yung mga bagay na dapat kami lang nakakaalam. Pero siyempre, akala natin kilala natin ang isa’t isa. Kumbaga, iyon ay honest mistake. Eto yung pinakapanget na time na. Ayoko na maiisip yung time na yun,” sabi ni Jason.

Isa sa mga naging rason ng hindi pagkakaintindihan ng magdyowa ay ang pagseselos ni Jason sa mga eksena nina Melai at Carlo Aquino sa teleseryeng “We Will Survive” noong 2016.

“Ngayon, may mga bagay na nagawa pero di mo na mababalik. Kasi kilala ko siya bilang husband ko, kilala rin niya ako bilang asawa niya. So, alam ko kung paano siya iso-solve, and I need time para i-solve yun.

“Kaya kami, talagang thank you, Lord, wala lang talaga sumuko sa amin nu’ng nag-rock and roll,” sabi ni Melai.

Jennylyn Mercado at Dennis Trillo

DENNIS TRILLO & JENNYLYN MERCADO

Kontrobersyal ang naging hiwalayan noon ng Kapuso couple dahil may involved na pisikalan at palitan ng masasakit na salita. Pero makalipas nga ang ilang taon, muling nagkrus ang kanilang landas.

Si Dennis ang nag-first move, “Tinext ko lang na, ‘O, kumusta ka na?’ Nag-reply naman siya tapos simula nu’n, nagtuloy na ulit ‘yung communication naming dalawa.

“‘Yun ‘yung nakakatuwa, na nangyari ‘yung hindi mo akalain tapos ‘di mo alam, siya pa rin talaga hanggang sa huli. Pareho kami, never namin na-imagine na mangyayari ‘to sa mga buhay namin, na magkakaroon kami ng happy ending. Actually hindi pa happy ending, happy start.”

Ruru Madrid at Bianca Umali

RURU MADRID & BIANCA UMALI

Kinalimutan ng Kapuso Action-Drama Prince na si Ruru ang pagiging babaero nang bigyan siya ng second chance ni Bianca. Napakarami raw talagang nabago sa kanya nang dahil sa dalaga.

“Nagkadahilan siya dati para magselos. Pero sabi ko nga sa kanya lalo na nung binigyan niya ako ng isa pang pagkakataon, hindi ko na hahayaan masayang ‘yung tiwala na binigay niya sa akin.

“So, ayoko nang makita siyang nasaktan, ayoko nang makita siyang umiiyak,” sey ni Ruru.

Sabi naman ni Bianca, nakita naman niyang nagbago na talaga si Ruru kaya naman looking forward na siya sa pag-level up ng relasyon nila. Aniya tungkol sa kasal, “Hindi n’yo na po kailangang tanungin. Just wait for the date!”

Abby Viduya at Jomari Yllana

ABBY VIDUYA & JOMARI YLLANA

Naging magkarelasyon sina Abby at Jomari noong nagsisimula pa lang ang kanilang showbiz career pero naghiwalay din sila after a few years.

Makalipas ang 30 years, muli silang pinagtagpo ng tadhana at nagkainlaban uli noong 2019 hanggang sa mag-live in at magpakasal sa Las Vegas, USA.

“We just hit it off. It’s like picking up where we left off. When I came back, it just made sense that at a certain age ‘di na kailangan ng ligawan, di ba? When I came back here, I was 43, he was also 43,” sabi ni Abby.

Baka Bet Mo: Toni Fowler naniniwala sa second chance: ‘Para kasi sa akin mas katangahan kapag hindi ka na nagmahal’

“We make it a point na walang bad vibes sa relationship. But, of course, that can’t be avoided but we handle things together, which is really nice,” aniya pa.

“The day after the wedding, we slept the whole day. And just relaxed in the hotel. Honeymoon stage! Ha-hahahaha!” chika pa ng dating sexy star.

Chiz Escudero at Heart Evangelista

HEART EVANGELISTA & CHIZ ESCUDERO

Ilang buwang pinag-usapan ang hiwalayan ng married couple na sina Heart at Chiz na naging national issue pa sa bansa dahil kanya-kanyang hula ang mga netizens kung ano talaga ang naging dahilan ng kanilang breakup.

Walang diretsahang pag-amin ang mag-asawa tungkol sa kanilang paghihiwalay at pagbabalikan. Actually, ang talagang nag-ispluk ng tungkol dito ay si Sen. Grace Poe sa isang session sa Senado.

“Together with each and every member of this body I would like to warmly welcome our colleague Sen. Chiz. First time in a long time we’ve seen that smile on that face with that wonderful aura. If there’s anything we’ve learned from this – love is worth fighting for,” pahayag ni Sen. Grace.

Sey naman ni Sen. Miguel Zubiri, “I just want to signify my support to the statement made by Sen Poe. And we see the different aura of our good friend from Bicol.

“I wanted to go down and give a big hug to my dear friend and classmate in Congress. We believe in second chances,” ani Zubiri.

“We heart Chiz,” ang panunukso naman ni Sen. Joel Villanueva.

Vicki Belo at Hayden Kho

VICKI BELO & HAYDEN KHO

Swak na swak sa love story nina Hayden at Vicki ang kasabihang, “Sa hinaba-haba ng prusisyon, sa simbahan din ang tuloy.” Taong 2005 nang aminin nila ang kanilang May-December romance.

Year 2008 naman nang kumalat ang chika na hiwalay na sila na isa raw sa mga dahilan kung bakit nagtangkang kitilin ni Hayden ang kanyang buhay.

“’Yung nangyari sa amin ni Hayden, you know naman very dramatic ‘yung aming buhay, maraming ups and downs. Honestly, give up na kaming dalawa na hindi mangyayari ‘to sa amin kasi talagang ang dami ng history. But parang pinu-push kami lagi ni Lord to be together even if it didn’t seem perfect to most people,” ayon kay Vicki.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Since we’ve gotten married, he’s become what I consider as an amazing husband and father.

“So my advice to people is to trust in the Lord, raise your problems up to the Lord. Of course, it doesn’t mean that you don’t have to try. You do your best like everything depends on you, but you pray and trust like everything depends on God,” aniya pa.

McCoy de Leon at Elisse Joson

ELISSE JOSON & MCCOY DE LEON

January, 2023 nang maghiwalay sina Elisse Joson at McCoy de Leon. Third party daw ang dahilan ng breakup pero mariin itong pinabulaanan ni McCoy at sinabing hindi niya niloko o ipinagpalit sa iba ang kanyang partner.

Ayon naman kay Elisse, hindi niya sinukuan ang pagmamahal kay McCoy, “Sa family, hindi naman ‘yan basta susukuan lang agad eh.

“You have to work hard for it, and kahit anong mangyari, gagawin mo ang lahat talaga para magsama-sama kayo, maayos.”

Naging malaking factor sa desisyon ng McLisse na magbalikan ang kanilang anak na si Felize McKenzie. Sey pa ni Elisse, “Kapag tinitingnan namin siya, parang sabi namin, ‘Grabe, mag-aaway pa ba tayo? Tingnan mo naman, oh, ang blessed-blessed natin sa batang ito.’”

Maja Salvador, Rambo Nunez, Vicki Belo, Hayden Kho, Jennylyn Mercado at Dennis Trillo

So, na-inspire ba kayo ba dear BANDERA readers sa kuwento ng mga celebrity couple na mas piniling magpatawad at magbigay ng second chance? Well…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending