Bea binalak tumigil sa pag-aartista para tumira sa Canada, naloka sa ‘toxic’ ng showbiz: ‘Parang hindi ko kayang lunukin’
KNOWS n’yo ba na plano na palang layasan ni Bea Alonzo ang mundo ng showbiz bago nila gawin ni John Lloyd Cruz ang super blockbuster movie na “One More Chance”?
Binalak daw kasing iwan na ni Bea ang Pilipinas para sa Canada na manirahan kasama ang kanyang ina. Doon daw nais ng aktres na mamuhay nang simple at tahimik.
Sa isang video interview kasama ang content creator na si Ninong Ry, nabanggit ni Bea na bago pa i-offer sa kanya ng Star Cinema ang “One More Chance” katambal si Lloydie ay naisipan na niyang tumigil sa pag-aartista.
“Alam mo ba before ‘One More Chance,’ hindi na ko mag-aartista dapat. Dapat magmo-move ako ng Canada,” ani Bea.
Naisipan daw niya ito noong ginagawa niya ang first book ng Kapamilya series na “Maging Sino Ka Man” kung saan nakasama niya sina John Lloyd, Anne Curtis at Sam Milby.
View this post on Instagram
Inamin ng award-winning Kapuso actress na noong sumapit siya sa edad na 18, na-realize niya na parang hindi niya nagugustuhan “politika” at ang pagiging toxic ng showbiz sa ilang pagkakataon.
“Naisip ko, parang hindi rin ako happy doon sa yung parts ng showbiz na nang-iintriga, yung parts ng showbiz na ma-politika.
“Parang hindi ko kayang lunukin. Parang sabi ko, alam mo, magma-migrate nalang ako sa Canada,” paliwanag ni Bea.
Kasunod nito, makalipas ang ilang taong pag-aartista, nakaramdam din siya ng burnout dahil sa sunud-sunod na teleserye at pelikula sa ABS-CBN at Star Cinema.
“Hindi na ako happy sa ginagawa ko. As a teenager, para kang…emo, emo ako noon e. Tapos ang hirap talaga ng trabaho namin.
“Wala kaming cut off. Tapos yung major insecurity ko, hindi ako nakatapos ng pag-aaral.
“I was good in school. Mahilig akong mag-aral, mahilig akong magbasa,” pagpapatuloy ng aktres.
Minsang nagdi-dinner daw sila ng kanyang ina, binanggit nito ang plano niyang mag-migrate sa Canada kahit na wala silang pamilya roon at magsisimula uli sa wala.
Naiintindihan naman daw ng nanay niya ang kanyang pinagdaraanan at suportado rin nito ang kanyang planong manirahan sa ibang bansa.
View this post on Instagram
Hanggang sa dumating na nga ang “One More Chance”, “For the first time, parang tinatrato ako nila Direct Cathy (Cathy Garcia-Molina) like an adult. It was the first collaborative work na ginawa ko.”
“Parang sabi ko, ay tingin ko ito ang dapat kong gawin tas ayun nga naging major hit siya. So parang feeling ko yun yung sign ni Lord na I think you should still have to do this. Parang andito ka pa,” sey pa ni Bea.
Ang “One More Chance” ay isa sa mga highest-grossing film ni Bea with P152.7 million na ipinalabas noong 2007. Nagkaroon ito ng part 2, ang “The Second Chance” (2015).
Alden umaming nag-alangang gawin ang ‘The World Between Us’, bakit kaya?
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.