Jessy pag may anak na: Gusto ko ako 'yung magluluto, ako 'yung magdadala at susundo sa kanila sa school | Bandera

Jessy pag may anak na: Gusto ko ako ‘yung magluluto, ako ‘yung magdadala at susundo sa kanila sa school

Ervin Santiago |July 10,2021
facebook
share this

Jessy pag may anak na: Gusto ko ako ‘yung magluluto, ako ‘yung magdadala at susundo sa kanila sa school

Ervin Santiago - July 10, 2021 - 10:59 AM

MAY mga napagkasunduan na ang mag-asawang Luis Manzano at Jessy Mendiola sakaling magkaroon na sila ng mga anak.

Ayon sa TV host-actor, hahayaan niyang si Jessy ang magdesisyon kung anu-ano ang gusto nitong gawin sa buhay niya at career kahit na may mga baby na sila.

Hindi raw niya didiktahan ang asawa kung ano ang dapat nitong gawin kapag mommy na siya kasabay ng pangako na susuportahan pa rin niya ito nang bonggang-bongga.

Sa latest vlog ng aktres sa YouTube, tinanong niya si Luis kung patitigilin na ba siya ng asawa sa pag-aartista kapag nagkaroon na sila ng anak. 

“Technically naman, you’re already on a long hiatus from showbiz,” sagot ni Luis. Na sinagot naman ni Jessy ng, “Choice ko rin talaga ‘yun, hindi si Howhow ang may call no’n or anything.”

Patuloy pa ng aktres, “Pero nag-usap kami na if ever man we have kids na, gusto ko talaga na medyo tutok ako.

“Like ako ‘yung magluluto ng food nila, ako ‘yung magdadala sa kanila sa school, ako ‘yung magsusundo. Tapos siyempre, when Howhow gets home from work, ako ‘yung naghahanda na ng pantulog niya,” diin pa ni Jessy.

Sey naman ni Luis sa kanya, “Do what you want. Kung may gusto kang gawin as you, as a vlogger, as an artist. Pero naiintidihan ko na may mga dapat ka ring gawin as a mother.

“The same way na ganu’n din ako, kung kunyari lang, nasa hosting pa rin ako, may kailangan akong gawin as an artist, as a businessman, may mga kailangan din akong gawin as a father. 

“So kaya natin naman gawin lahat ‘yun without compromising the attention at love na pwede naming ibigay sa mga bata,” dugtong ng Kapamilya TV host.

Noong February, 2021 ikinasal sina Jessy at Luis, 40, sa isang intimate ceremony sa Batangas. At bukas naman ang celebrity couple sa pagsasabing handa na silang bumuo ng sariling pamilya.

“Given naman ‘yun. Siyempre hindi na naman na ako bumabata, gusto ko na ring magkaroon ng baby,” ani Luis sa isa pang YouTube vlog ni Jessy.

Aniya, gusto niyang ma-experience ng magiging anak nila ni Jessy ang naging bonding nila noon ng kanyang amang si Edu Manzano.

“’Yung Daddy ko nu’ng pinanganak ako I think nasa 28 years old ata siya. Same age si Mommy (Vilma Santos-Recto) at si Daddy. 

“Marami kaming na-eenjoy ni Daddy together event at this point. So parang ‘yun din ang habol ko na parang ‘yung anak natin marami pa kaming magawa,” kuwento ni Luis.

Sey naman ni Jessy, “I am ready to get pregnant. Better din na nasa late 20s na rin ako, kesa nasa 30s na ako. Parang feeling ko mas mabilis akong magba-bounce back. 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“And gusto rin talaga namin ni Luis na siguro mga two to three ‘yung children namin. Kaya sana two to three kids before I turn 33, ganun. 28 na ‘ko ngayon eh, so meron akong five years pa,” sabi pa ng misis ni Luis.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending