Sylvia abangers na sa apo kina Maine at Arjo; loyal kay Rei Tan

Sylvia abangers na sa apo kina Maine at Arjo; loyal na loyal kay Rei Tan

Ervin Santiago |February 12,2024
facebook
share this

Sylvia abangers na sa apo kina Maine at Arjo; loyal na loyal kay Rei Tan

Ervin Santiago - February 12, 2024 - 07:43 AM

Sylvia abangers na sa apo kina Maine at Arjo; loyal na loyal kay Rei Tan

Arjo Atayde, Maine Mendoza, Rei Tan at Sylvia Sanchez

ATAT na atat na ang premyadong aktres na si Sylvia Sanchez na magkaroon ng apo sa anak niyang si Arjo Atayde at sa misis nitong si Maine Mendoza.

Siguradong mai-spoil ang magiging first baby ng celebrity couple kay Ibyang dahil matagal na talaga niyang pinaghandaan ang pagiging lola.

Sey ng Kapamilya-actress at producer, hanggang ngayon ay naghihintay pa rin siya na may mag-announce mula sa mga anak na magkakaapo na siya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Nakachikahan namin si Sylvia sa thanksgiving event at Chinese New Year celebration ng Beautéderm Corporation nitong Sabado, February 10, kasabay din ng 1st anniversary ng Beautéderm Headquarters sa Angeles City, Pampanga.

Baka Bet Mo: Andrea hindi nagpatumba sa mga pagsubok, Rei Tan bumilib: Ibang klase ang katapangan niya!

Nakasama ng CEO at President ng matagumpay na kumpanya na si Miss Rhea Anicoche Tan ang ilan sa kanyang mga loyal at effective celebrity ambassador sa pangunguna nga nina Sylvia, Carlo Aquino, Sam Milby at ang latest endorser na si Gillian Vicencio.

“Wala pa namang lumalapit sa akin at sabihin sa aking ‘mama, magkakaapo ka na,” ang pahayag ni Sylvia nang tanungin kung magkakaroon na ba siya ng apo.

Siyempre, abangers si Ibyang sa magiging announcement ng mag-asawang Arjo at Maine Mendoza tungkol sa kanilang pregnancy. Excited na rin  ang kanilang mga fans para sa kanilang magiging first baby.

Pero sey ni Sylvia, hindi naman daw niya pine-pressure sina Maine at Arjo sa pagkakaroon ng anak, “Buhay nila ‘yun, eh. Gusto ko, mag-enjoy sila.

“Gusto ko kasing magka-apo ako or magka-anak ang mga anak na ready na sila, alam mo ‘yun?” paliwanag ni Ibyang.

Natatawang chika ng seasoned actress, hindi lang naman daw kina Arjo at Maine siya naghihintay ng apo, kundi pati na rin sa anak niyang si Ria Atayde.

“Silang dalawa, pati si Maine,” aniya. Sinagot naman daw siya ni Ria ng, “Mama, chill lang.”

Baka Bet Mo: Rhea Tan kay Marian: Sobrang love niya ako…at hindi yun mabibili ng kahit na magkano!

Pero teka, may balak na rin bang magpakasal si Ria at dyowa nitong si Zanjoe Marudo? “Hindi ko alam kay Zanjoe, si Zanjoe ‘yan, eh. Sa kanya ‘yun, wala sa akin ‘yun.”

“Hindi ko para pangunahan si Zanjoe, maghihintay ako kung ano ang gusto nilang dalawa. Sila ‘yan, eh.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Rei Ramos Anicoche (@missrheatan)


“Dahil nanay ako, magiging mother in law o anuman, wala, ayokong pakialaman, ayokong pasukin ‘yung relasyon nila, bahala silang dalawa diyan,” natatawang pahayag ni Sylvia.

Ibinalita rin ng veteran actress na tatakbo uli si Arjo sa 2025 bilang re-electionist as representive ng 1st district ng Quezon City.

Samantala, nananatili pa rin ang napakagandang relationship ni Sylvia sa Beautèderm lady boss na si Rei Tan. Sinuportahan ni Ibyang ang 15th anniversary ng naturang beauty kingdom at ang unang anibersaryo ng Beautèderm Headquarters sa Angeles, Pampanga.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang iba pang ambassadors ni Ms. Rei na nakisaya rin sa naganap na Chinese New Year celebration ng kumpanya ay sina DJ Jhai Ho, Patricia Tumulak, Alma Concepcion, DJ ChaCha, Kimson Tan, Darla Sauler, Ynez Veneracion at marami pang iba.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending