Rhea Tan kay Marian: Sobrang love niya ako...at hindi yun mabibili ng kahit na magkano! Bandera

Rhea Tan kay Marian: Sobrang love niya ako…at hindi yun mabibili ng kahit na magkano!

Ervin Santiago |May 29,2022
share this

Rhea Tan kay Marian: Sobrang love niya ako…at hindi yun mabibili ng kahit na magkano!

Ervin Santiago May 29, 2022 - 06:18 AM

Rhea Tan, Marian Rivera at Dingdong Dantes

PINATUNAYAN ng matagumpay na negosyante at philanthropist na si Rei Anicoche Tan na isang tunay na kaibigan ang nag-iisang Primetime Queen ng GMA na si Marian Rivera.

Ito ang dahilan kung bakit apat na taon na ngayon ang kanilang pagiging mag-BFF at business partners para sa Beautederm Corporation na pag-aari ni Miss Rei.

Nitong nagdaang Martes, May 24, muling pumirma ng kontrata si Marian bilang nag-iisang brand ambassador ng Beautederm Home na nasaksihan nga ng ilang members ng entertainment press sa ginanap na face-to-face mediacon.

“What is supposed to be a business relationship surpassed all expectations as it transcended a deeper connection that is that strengthened my bond with the Primetime Queen,” pahayag ni Ms. Rei.

“Marian is like a sister to me, and I am a very proud ate. And we are family, and family is all about love. It evolves, it transitions into something better,” aniya pa.

Pagkatapos magpirmahan ng kontrata ay may pa-cake at surprise gifts pa si Ms. Rei para sa misis ni Dingdong Dantes.


Chika ni Ms. Rei, “Iyong cake, arte lang ni Ate. Kasi, imagine mo, four years na tayo, di ba? Napapanood ko lang si Marian dati.

“Ngayon, hindi ko naman ine-expect na magiging ganun yung friendship namin. Sobrang na-appreciate ko si Yan-yan. Kasi, hindi lang siya super-big star, pero pag mas nakilala mo siya, napakabuti niyang tao.

“And ano, talagang love na love ko siya. Kasi, pag nagtatampo ako, sine-send ko talaga sa kanya. ‘Nagtatampo ako sa ‘yo!’ Di ba, ganu’n? Pag mahal mo yung tao, sasabihin mo yung nararamdaman mo, hindi ka nakikipagplastikan because you wanna save the friendship.

“And I appreciate her so much. Kasi, bina-value niya hindi lang yung as client relationship pero naramdaman ko na kahit hindi ako kasing-yaman ng mga ine-endorse niya, sobrang love niya ako. Na alam mo yun, na hindi yun mabibili ng kahit na anong pera,” paliwanag ng super successful entrepreneur.

Mariin pang sinabi ni Ms. Rei na gustung-gusto niya ang ugali ni Marian, “Pag ayoko yung tao, ayoko. Pag gusto mo, lalo ma siyang pinapakitaan ng love.

“At napakatotoo niyang friend. Siya yung tipo ng friend na napaka-loyal. Ipaglalaban ka niya, ganu’n siyang klaseng tao,” sabi pa ni Ms. Rei.

Reaksyon naman ni Marian, “Kami ni Ate Rhea, hindi kami instant na naging close, e. Kumbaga, gradual na nangyari ‘yan. Dahil siguro palagi kaming nag-uusap.

“Nu’ng una, panay product lang. Pero after nu’n, iba-iba na ang pinag-uusapan namin. About shopping na, about family na. So lumalim nang lumalim.

“Saka siguro bilang tao, alam mo naman, mararamdaman mo naman kung sincere yung tao sa inyo, kung concerned sa inyo. So, naramdaman ko lahat kay Ate Rhea yun.

“Kaya siguro hindi naging mahirap para sa amin yung magkalapit ang loob namin hanggang ngayon,” sabi pa ng Kapuso TV host-actress.

Samantala, nang tanungin naman si Marian tungkol sa ipinatatayo nilang bahay ni Dingdong, “Shhhh! Saka na yun! Kapag talagang buong-buo na. Hindi naman kami magdadamot na i-share ‘yan sa mga tao.”

Sa mahigit 70 celebrity endorsers ng Beautederm, espesyal pa rin daw si Marian para kay Ms. Rei, “Sabi ko nga, mawala na ang lahat huwag lang si Marian. Alam mo kasi na parang siya lang ang nakatatak sa akin. Pag wala si Marian ang laging tanong sa akin, ‘Asan na si Marian, wala siya?’

“Lahat ng bagay kay Marian, magaan. Walang problema. Saka sagot niya ako sa kanyang management. Kaya na-appreciate ko po yun,” sabi pa ni Ms. Rei.

Sa nasabi ring presscon, nagpasalamat si Marian sa lahat ng sumusubaybay sa sitcom nila ni Dingdong sa GMA 7, ang “Jose and Maria’s Bonggang Villa.”

Pero sey ng aktres, hindi nila masyadong iniisip ang rating, “Kasi, ginagawa namin sa set na masaya kami. Always kami looking forward na mag-taping especially dun sa set na ang saya. I’m sure magri-reflect ‘yan on TV kung gaano kami kasaya sa set.

“Parang siguro, pag mag-rate ‘yan, bonus na lang. Kasi ang pinakaimportante, magkasama kami ni Dong, magkatrabaho kami after 10 years. Tapos, ang pangarap pa namin na sitcom.

“Kaya bonus lang talaga yung ratings. But of course, very grateful kami na minahal siya ng tao, pilot pa lang. Second episode, maganda pa rin. So, sana tuluy-tuloy kami. Para ma-extend nang ma-extend,” pahayag pa ni Marian.

Dingdong kay Marian: Napakaswerte ko na siya talaga ang naging asawa ko

Marian feel na feel ang pagiging nanay; nagturo ng kagandahang-asal sa mga Grade 2 students

Andrea hindi nagpatumba sa mga pagsubok, Rei Tan bumilib: Ibang klase ang katapangan niya!

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending