Chito thankful sa pag-aalaga ni Neri matapos magkasakit

Chito thankful sa pag-aalaga ni Neri matapos magkasakit: Napakaswerte ko!

Pauline del Rosario |February 11,2024
facebook
share this

Chito thankful sa pag-aalaga ni Neri matapos magkasakit: Napakaswerte ko!

Pauline del Rosario - February 11, 2024 - 08:21 PM

Chito thankful sa pag-aalaga ni Neri matapos magkasakit: ‘Napaka-swerte ko!’

FEELING lucky ang bokalista ng Parokya ni Edgar na si Chito Miranda kahit siya’y may sakit habang nagko-concert tour sa Amerika.

Paano ba naman kasi, alagang-alaga siya ng kanyang misis na si Neri Naig.

Sa Instagram, ibinandera ni Chito ang picture ng nakuha niyang sulat galing sa misis.

Ang nakalagay: “Please get well soon! I love you so much! Can’t wait to hug and kiss you!”

Kalakip niyan ay ikinuwento ng bokalista kung ano ang nangyari sa kanya bago pa magtanghal sa Los Angeles.

“Kagabi, ok naman ako. Pero pagkagising ko kaninang umaga, sobrang sama na ng pakiramdam ko kaya nahiga lang ako buong day,” chika niya.

Baka Bet Mo: Chito Miranda diretso-uwi sa pamilya after ng gig, plus pogi points sa netizens: ‘Idol! Being a father is more important’

Patuloy niya, “Ubo, sipon, lagnat, tapos sobrang bigat ng katawan ko na ang hirap hirap bumangon [crying emoji].”

Kahit masama, aniya, ang pakiramdam niya ay itinuloy pa rin daw ng kanyang banda ang pagtatanghal.

“Pagdating namin sa venue, pinatulog muna ako ng management. Pagkagising ko, shumat lang ako ng whiskey at uminom ng madaming tubig. Medyo gumaan pakiramdam ko and was able to do a 2hr set,” kwento niya.

Wika pa niya, “Hindi ako makakanta ng maayos pero dahil sinabayan niyo kami sa pagkanta, hindi masyado nahalata na hirap na hirap ako kumanta [peace sign emoji] (salamat talaga, LA…grabe talaga kayo, as always).”

“After ng meet n greet, bumagsak na naman katawan ko sa biyahe pauwi hanggang bahay at pagdating sa bahay, ‘di na naman ako makabangon at suka na ko ng suka [crying emoji], ani ni Chito.

Sa ngayon daw ay nag-isolate na muna siya upang hindi mahawa ang kanyang pamilya, lalo na ang mga anak.

Pero sobra ang pasasalamat niya sa kanyang misis dahil hindi pa rin daw siya pinabayaan at inalagaan siya nang mabuti.

“Salamat sa asawa ko sa pag-asikaso,” mensahe niya.

Saad pa niya, “Baka emotional lang ako dahil masama pakiramdam ko pero medyo naiyak talaga ako kanina dahil sa pag-asikaso niyo sa akin [peace sign emoji].”

“Napaka-selfless lang. Napaka-swerte ko talaga [red heart emoji],” ani ng bokalista.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Chito Miranda (@chitomirandajr)

Kung maaalala, ikinasal sina Chito at Neri Naig noong December 2014.

Biniyayaan sila ng dalawang anak na sina Miguel Alfonso at Manuel Alfonso.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending