Nadine nakikita ang ama kay Kuya Bodjie; nagpaka-action star sa Roadkillers
PARANG ang tunay niyang tatay ang kaeksena ni Nadine Lustre sa bago niyang digital series na “Roadkillers” mula sa Studio Viva ng Viva Entertainment.
Napanood na namin ang buong serye sa special screening nito na ginanap sa Gateway Cinema 17 sa Cubao, Quezon City last Friday, February 9, na dinaluhan din ng cast members sa pangunguna ni Nadine, kasama sina Francis Magundayao at Jerome Ponce.
Wala sa special screening at presscon ang veteran actor na si Bodgie Pascua na gumaganap na tatay ni Nadine sa kuwento.
Baka Bet Mo: Leon Barretto bukas sa pakikipag-ayos kay Dennis Padilla: I also miss my Dad but time heals all wounds
In fairness, kering-keri rin ni Nadine ang maging action star dahil sa ipinakita niyang galing sa mga stunts at maaaksyong eksena sa “Roadkillers” na idinirek ni Rae Red.
View this post on Instagram
Hindi nagpa-double ang award-winning actress sa mga fight scenes na ginawa niya sa serye dahil talagang pinaghandaan niya ang proyekto bago siya sumalang sa shooting.
“Matagal ko na talagang gustong mag-action. And I guess with regards to preparation, nag-training din ako sa firing.
“Mga stunts din namin, we really had to rehearse na. Kasi lalo na yung environment, yung condition is ano, nakita nyo naman yung eksena yung mabuhangin, dirt, ganu’n, mabato. So, ano talaga, very tricky talaga.
Baka Bet Mo: Gretchen Ho binalikan ang mga huling sandali ng yumaong ama: ‘Dad fought on long and hard enough to see us all’
“And you know, as much as possible, sila direk, they want it yung mga stunts realistic. I mean, hindi siya yung parang action movie na… you know what I mean. It’s still very realistic.
“I mean, at the end of the day, hindi naman superhero si Stacey, normal naman siyang tao,” ang pahayag ni Nadine na sumabak din sa training kung paano magpaputok ng baril.
Sa istorya ng “Roadkillers”, ginagampanan ni Nadine ang role ni Stacey, ang anak nga ng karakter ni Bodjie na isang tauhan ng isang tiwaling politiko na siyang tagaligpit ng mga kaaway nito.
Iikot ang kuwento nang namatay sa COVID-19 ang tatay ni Stacey na sa kagustuhang tuparin ang hiling nito na ilibing sa tabi ng puntod ng kanyang nanay ay ninakaw ang labi ng ama mula sa isang ospital.
View this post on Instagram
Noong kasagsagan ng pandemya ay diretso sa morge ang labi ng isang taong namatay sa COVID kaya umisip ng paraan si Stacey para maitakas ang bangkay ng kanyang tatay at mailibing sa tabi ng libingan ng asawa nito.
Ngunit hindi magiging madali para kay Stacey na maisakatuparan ang wish ng ama dahil sa mangyayaring twists and turns sa kuwento. Dito na papasok ang matinding sagupaan nila ng karakter ni Jerome Ponce.
Ayon kay Nadine, habang ginagawa nila ang “Roadkillers”, ang feeling niya ay parang tunay na ama niya si Bodjie, “Nu’ng napanood ng dad ko yung Roadkillers, parang sinabi niya, ‘Parang ako lang si Bodjie, a.
“Nu’ng nagsu-shoot nga po kami, talagang Tito Bodjie reminds me of my dad. Kasi like everything… like the jokes, like the way he talks, and yung character din ni Tito Bodjie, my dad is a mechanic talaga, his profession. So ako, I grew up as daddy’s girl talaga.
“So, mahilig ako magkalikot ng… even yung… alam mo yung what do you call it, yung white out na tape? Kahit yung mga ganun ng classmates ko, inaayos ko.
“Just because na-fascinate ako sa dad ko na magaling magkumpuni ng mga stuff, yung controller ng play station naaayos niya ganun. So, lumaki ako na ganun, exactly like how Stacey is.
“Although yung dad ko hindi naman siya henchman ng pulitiko. But just the same, sobrang naaastigan din ako sa dad ko.
“So, while we were shooting the whole series, everytime na meron akong interaction or scenes with Tito Bodjie, naaalala ko talaga yung dad ko,” tuluy-tuloy na chika ni Nadine.
Mapapanood na simula sa March 1 ang bagong suspense action thriller series ng Studio Viva sa Viva One.
Naging number one content na ito last year sa Prime Video kaya ngayong 2024 ay inaasahang hahataw naman ito sa Viva One.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.