Jennica feeling complete na: Natutunan ko nang tumayong mag-isa

Jennica feeling complete na ngayon: Natutunan ko nang tumayong mag-isa

Ervin Santiago |February 11,2024
facebook
share this

Jennica feeling complete na ngayon: Natutunan ko nang tumayong mag-isa

Ervin Santiago - February 11, 2024 - 06:05 AM

Jennica feeling complete na ngayon: Natutunan ko nang tumayong mag-isa

Jennica Garcia

MAS feeling “complete” ngayon sa kanyang personal life ang Kapamilya actress at celebrity mom na si Jennica Garcia.

Pang-all-around ang peg ng ginagampanang karakter ni Jennica sa totoong buhay, kabilang na riyan ang pagganap bilang single mom sa dalawa niyang anak.

Pero ayon sa Kapamilya star, sa mga “role” na kanyang ginagawa these days  tulad ng pagiging aktres, host, nanay, anak at kapatid, ang pagmamahal sa sarili ay pinaka-ineenjoy niya.

Ang sarap lang. Parang napansin ko kasi na all my life sobra akong dependent na may magpupuno ng cup ko para sa akin, para masabi ko na puno ako,” lahad ni Jennica sa panayam ng “Magandang Buhay.”

Baka Bet Mo: Jennica Garcia nililigawan nga ba ng isang Korean na nakilala niya sa shooting ng ‘Ma’am Chief’?

Dagdag ng single parent, “Ewan ko, siguro dahil lumaki ako na hiwalay ang parents ko, so sabi ko, ay kailangan ko ng tatay para kumpleto na ako.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jennica (@jennicagarciaph)


“Tapos dumating ako sa point na, ay hindi pa rin ako kumpleto, kailangan ko ng asawa. Kapag may asawa na ako kumpleto na ako.

“Tapos noong nag-asawa ako sabi ko, parang may kulang, parang anak. Tapos dumating na ‘yung dalawang anak ko pero pakiramdam ko ay parang mayroon pa ring kulang na hindi ko ma-pinpoint kung ano exactly,” paliwanag ng estranged wife ng aktor na si Alwyn Uytingco.

Baka Bet Mo: Jennica Garcia matinding hirap ang hinaharap bilang single mother: ‘Dumating sa point na naka-schedule sa doktor kung kailan ako iiyak’

At pagkatapos nga niyang pagdaanan ang matitinding pagsubok sa kanyang buhay, “Natutunan ko na po kung paano tumayo mag-isa.

“Doon ko na-realize na kailangan pala mahal ko ang sarili ko para mayroon akong pagmamahal na kaya kong ibigay,” ani Jennica.

Nagpapasalamat ang anak ni Jean Garcia sa lahat ng magagandang opportunities na ibinigay sa kanya ng ABS-CBN. Dahil dito, muling nabuhay ang kanyang acting career na matagal nang natutulog.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nagmarka si Jennica sa kanyang challenging role sa Kapamilya series na  “Dirty Linen” na nagtapos noong August, 2023. Nakasama niya rito sina Janine Gutierrez, Zanjoe Marudo at ang BFF na niya ngayon na si Christian Bables.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending