Francine tiniyak na alive na alive pa rin ang ‘FranSeth’

Francine Diaz tiniyak na alive na alive pa rin ang ‘FranSeth’ love team

Pauline del Rosario |February 10,2024
facebook
share this

Francine Diaz tiniyak na alive na alive pa rin ang ‘FranSeth’ love team

Pauline del Rosario - February 10, 2024 - 11:14 AM

Francine Diaz tiniyak na alive na alive pa rin ang ‘FranSeth’ love team

PHOTO: Instagram/@francinesdiaz

SA kabila ng solo projects, buhay na buhay pa rin ang love team nina Francine Diaz at Seth Fedelin o mas kilala bilang “FranSeth.”

‘Yan mismo ang nilinaw ng Kapamilya young actress matapos tanungin sa isang health expo event na ginanap kamakailan lang.

Paliwanag ni Francine, hindi lang dapat nakadepende sa love team ang growth ng kanilang karera kaya kailangan din nilang mag-explore nang solo. 

“May FranSeth pa rin naman po. Siyempre, kami naman po, we also want to explore din ng solo kami,” sey ng aktres.

Patuloy niya, “Pero, it doesn’t mean naman na wala na ‘yung love team. Siyempre, iba pa rin naman po ‘yung nakakapag-explore kami at alam namin kung hanggang saan ‘yung kakayanin namin.”

Baka Bet Mo: Francine handa na bang magpaseksi ngayong 20 anyos na? ‘I want to explore’

Isang magandang halimbawa sa solo projects ni Francine ay ‘yung upcoming single niya kasama ang Korean superstar na si Seo In-guk kung saan nakatakda silang mag-release ng collaboration song na pinamagatang “My Love.”

Nakwento ng aktres na napakinggan na ni Seth ang full version ng kanyang kanta at tuwang-tuwa raw ito.

“Happy siya for me. Proud siya,” sambit ni Francine.

Aniya pa, “Actually, narinig na rin niya ‘yung buong kanta and ‘yun nag-congrats naman siya.”

Tinanong din si Francine ng ilang entertainment press kung posibleng magkaroon ng music project ang FranSeth.

Ang sagot niya, “Siguro po in the future.”

Saad pa niya, “Pero kasi ngayon po, it would be nice din na, you know, have time to shine din sa career niya at ganun din ako.”

“Hindi naman kami nagko-close ng doors sa mga opportunities in the future kasi hindi naman po malabong mangyari na mag-duet kami or mag-collab sa pagkanta,” ani pa ni Francine.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kasabay niyan ay nabanggit na rin ni Francine na pangarap niyang makatrabaho ang award-winning actress na si Kathryn Bernardo in the future.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending