Kathryn ibinunyag ang Top 3 celebs na 'wish' makatrabaho

Kathryn ibinunyag ang Top 3 celebs na ‘wish’ makatrabaho, sino-sino kaya?

Pauline del Rosario |February 09,2024
facebook
share this

Kathryn ibinunyag ang Top 3 celebs na ‘wish’ makatrabaho, sino-sino kaya?

Pauline del Rosario - February 09, 2024 - 12:31 PM

Kathryn ibinunyag ang Top 3 celebs na 'wish' makatrabaho, sino-sino kaya?

PHOTO: Instagram/@bernardokath

VILMA Santos, Piolo Pascual, at Jericho Rosales.

Sila ang ilan lamang sa bigating celebrities na gustong makatrabaho ng aktres na si Kathryn Bernardo in the future.

Sa isang panayam, humingi ng reaksyon ang entertainment reporter na si MJ Felipe kay Kathryn matapos ihayag ni Piolo ang kanyang pagnanais na masakama ang aktres sa isang proyekto.

Para naman sa aktres, game na game siya sakaling mabigyan sila ng tsansa.

“Thank you, Papa P! You know, Papa P is Papa P! Sinong ayaw na makatrabaho si Papa P? Safe to say na lumaki ako na kasama sila because we have the same handler,” sey niya.

Patuloy niya, “I respect him so much as an actor, bilang tao…he’s so loved by many because of his personality and ‘yun ‘yung isa sa mga traits niya na na-i-inspire ako.”

Baka Bet Mo: David Licauco wish makatrabaho sina Kathryn at Daniel: ‘Pinanood ko mga movies nila, kinikilig talaga ako sa kanila’

At dito na nga niya naipasok na sakaling may Top 3 celebrities na wish niyang makatrabaho, ang unang-una raw riyan ay ang tinaguriang Star of All Seasons na si Vilma Santos.

“Kung may Top 3 ako na gusto makatrabaho. First, Vilma Santos…and I just respect her so much,” wika niya.

Nabanggit din sa usapin ang aktor na si Jericho Rosales na isa rin sa mga nais makatrabaho ni Kathryn.

“You know, like what I said, I’m very open to work with everybody now, especially Echo,” saad ng aktres.

Kwento niya, “Nakasama ko siya ilang days dahil sa magkakasunod na events…and he’s such a nice guy. Sobrang bait nya, so ayaw mo bang makatrabaho ‘yung ganun? So let’s just see…maybe the universe will do something about it.”

At speaking of projects, inusisa ni MJ kung hanggang saan ba ang kayang i-explore ni Kathryn.

Sabi ng aktres sa kanya, open na siyang makipag-collaborate at makipagtrabaho sa kahit na sino.

“It depends, again, sa pitching nila. Pero when they asked me, sabi ko, ‘I’m really open now to work with anybody’…kung may maisip akong gustong makatrabaho o may ma-suggest sila, I’m open,” lahad ni Kathryn.

Pagbabahagi pa niya, “I’m really open to work with different leading men or different women na alam kong may matututunan pa ako and it’s just so –I don’t know, parang ang dami nang opportunities, and gusto ko lang i-open ‘yung doors sa lahat ng opportunities.”

At bilang kaka-renew lang niya ng kontrata with Star Magic at kakasimula lamang ng taong 2024, aminado si Kathryn na super excited siya sa mga gagawin niyang proyekto.

“Actually, I’m just so excited for this year…magpi-pitch sila ng mga next kong gagawin na comfortable ako ng something I want to do. ‘Yun pa lang ‘diba parang sinong management ‘yung magtatanong sayo kung ano ang gusto mo, kung saan ka masaya,” pag-open up ng aktres.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Dagdag pa niya, “Of course, I’m excited sa movies na gagawin ko under Star Cinema, but now, I’m just focusing on what I want, I’m just focusing on myself…you know, my growth, my future and the things that makes me happy.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending